Kabanata 6

229 6 0
                                    

Matapos kong itungga nang sunod-sunod ang patong-patong na shot glass para sa akin ay napasinghap ako.



Damn, it's tastes so good.




Leslie didn't  drink much, ni hindi alak ang iniinom nang maispatan ko. Nakahawak ito sa sariling selfon at kunot ang noo. Binalingan ko naman ng  sulyap ang pinsan kong si Katrina, she's very clingy! Halos nakapatong pa sa boyfriend! Iniwas ko kaagad ang mga mata sakanila at natagpuan ang malungkot na mga mata ni Stephie. Sunod-sunod din ang inom niya sa vodka.



She's the only innocent Monteverde,  I mean sa aming apat siya itong pinakatahimik at pakiramdam ko marami siyang pinoproblema. Hindi ko na lamang siya inusisa dahil hindi ko yata kayang manghimasok sa pribado  iyang buhay. Pakiramdam ko kasi, hindi rin siya magkukwento.



Tinikom ko na lamang ang bibig at kinuha kaagad ang natitirang baso ng alak sa tray.




"Thanks." Sabay kindat ko.



Ano pa ba ang pumipigil sa akin? Wala na akong boyfriend, wala ng magagalit kung magpakalunod ako ulit!



Matapos kong nilagok ang inumin ay nagpasya akong hanapin si Luis! Ang matinik na lalaking iyon! Iniwan ba naman kami?! Ni hindi ako sinama sa paghahanap ng makakausap?! Sumiksik ako sa dagat ng mga tao, hindi bale ng hindi mahanap si Luis basta ba ay ma-enjoy ko ang gabing ito. It's about time to be the old Maria. Nakakapagod din maging isang tao na kailanman hindi mo ginusto. Nakakabalik lang ako sa tunay na ako kapag kasama ang mga pinsan, wala kasing humuhusga sa akin. Well, I don't even give a fuck! Inaalagaan ko lang reputasyon ko sa mata ng mga magulang ko!






Dahan-dahan akong sumunod sa indayog ng kanta, mas lalong nakakabingi ang dinaluhan kong mga grupo ng tao. Halos magsalpukan na ang mga katawan namin at dahil maliit ako, hindi iyon naging dahilan para mahirapan akong lumusong. Hindi ko nga lang maiwasang masagi ang hinaharap at puwetan ko.





"Ooppsss, sorry." Nakangisi ang lalaki nang tumama ang dibdib ko sa braso niya. Ngumisi na lang din ako kahit hindi naman iyon aksidente.





Hindi na ako magtataka sa ganitong senaryo, hindi naman ito ang tamang lugar upang makipagbangayan. Mababastos at mababastos ako. Akala ko nilubayan na ako ng lalaki nang pumihit ako at nakipag-usap sa ibang grupo. Hindi kalaunan, naramdaman ko na siya sa aking likod.






Nagtiim bagang ako at imbes na itulak siya ay mas gumiling ako. Wala naman siyang makukuha sa akin.






"Here's your shot, darling." Kahit hindi ko man lingunin, sigurado ako ang lalaking sumagi sa dibdib ko ang siyang gumigiling at nag-abot ng shot glass sa akin.





Tutunggain ko iyon, ngunit awtomatiko akong napailing. Minsan, mas mabuting maging proactive sa lahat ng panahon.




" No, thanks!."hiyaw ko nang maramdaman na siya sa aking pwetan.





Napatunganga ako! Kahit kailan talaga!





Umiwas ako sa lalaki pero mahigpit niyang hinawakan ang baywang ko. Alam kong hindi na ako makakaalis pa, lalo na nang humigpit pa lalo ang mga hawak nito sa akin. Huminga ako nang malalim, hinawakan ang kamay niya at hinaplos papunta sa mahaba niyang braso, nanghina ang lalaki ngunit nakahawak pa rin sa baywang ko. Imbes na kumuwala sa kanyang hawak ay unti-unti akong humarap sakanya. Nagtaas ako ng kilay nang nakitang nakanganga ito sa aking harapan.





I am not good at hypnotizing, but he looks like he was hypnotized. Tuluyan nang nanghina ang mga kamay niyang nakayakap sa akin nang nilapit ko ang mukha ko sakanya.






A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon