SIMULA

186 8 0
                                    

***๑๑
"Kuyaaa wengggg" rinig kong tawag sakin ng kapatid kong si Lea.

"Oo andyan naa!!!shit! First day na first day late na naman ako'inis ko sarili habang nag susuot ng damit. Casual lang na damit ang suot ko kasi first day palang naman.

Pagka baba ko ay naabutan ko si ate at ang dalawa kong kapatid na nag-aalmusal. Tsk mga late na nga ang babagal pang kumain.

"Oh! Weng mag almusal ka na!" Si Mama habang naghahanda ng baon ng dalawa kong kapatid na si lea at andra. They are elementary students, si lea ay grade 2 at si andra naman ay grade 6 na. Kami naman ni ate aleyah ay high school. I'm a grade 10 student and she's grade 11 senior highschool.

" Hindi na Ma! Dun nalang ako sa school kakain! Late na ako eh" sabi ko habang nagsasapatos.

"Sabay na tayo weng! Wait lang!" Si ate habang naghuhugas ng kamay.

"Dali naa! Alas syete na!" Sabi ko sabay sukbit ng bag.

"Alis na kami Ma!" Paalam ni ate kay mama.

"Pah alis na kami!" Paalam nya naman kay papa na naglilinis ng Motor nya paglabas namin sa bahay.

"Geee! Ingat ha"

"Opo!" Sabay na sabi naming dalawa.

Paglabas ng gate ay naghintay muna kami ng tricycle ng ilang minuto kaya pagdating sa school ay di na namin naabutan ang flag ceremony. Tumingin muna kami sa bulletin board para tignan kung anong section at room number kami. Tinulungan ko muna si ate sa paghahanap ng section nya.

"Aleyah Mae Carbungco section Mabini!" Basa ko sa pangalan nya. Nasa first section sya kaya madali lang mahanap. Tinignan nya naman ito at tinandaan ang room number. Sunod naman sakin. Inuna ko na sa first section dahil lagi naman akong honor student.

Nakita ko naman agad ito kaya tumakbo na ako papunta sa kung saan ang room ko.

Buti nalang pagdating ko sa room ay wala pa ang adviser namin na si Teacher Mina. Kaya pagpasok ko ay nagdadaldalan ang mga classmates ko. Di na kami maiilang sa isa't kasi simula grade 7 ay magkakaklase na kaming lahat. Pero minsan may natatanggal kasi hindi nakakapasok sa honor student at may dumadagdag din mula sa ibang section na nag kaka honor or mga transferree student na matataas yung grade. Gaya ngayon may mga bago na namang mukha.

"Sayang talaga si Ginna noh! Di na natin sya magiging classmate!" Daldalan naman ni Shaina at Angel sa tabi ko. They are my friends. " Eh pano yun mapapasok sa honor student eh boyfriend nya lang yung inaatupag nya". Sabat naman ni Trisha na katabi ni Karren

"Bakit ba lumipat ng school si Jona at Eri?" Tanong naman ni Karren. Nasa harapan namin sila nasa third row kasi kami.

"Si Jona kasi! Ang tita nya raw ang magpapa aral sa kanya! Kasi nga diba wala na yung lola nya na nagpapa aral sa kanya dati. Sa
case naman ni Eri ewan ko dun tanungin nyo nalang si jessa eh bestfriend nya yun!" Paliwanag naman ni Reyann habang nagsi- cellphone. Nasa gitna sya ni Trisha at Christine na nagsi- cellphone din.

"Nagklase naba?" Hingal na tanong ni Nyx na bagong dating. May mas late pa pala sakin!.

"Wala pa! May Meeting yung mga teacher" sagot dito ni Shaina.

"Thank god" sabi nito sabay upo sa tabi ko, hinihingal pa.

"Hi Weng!" Bati nya sakin sabay ngiti. Sya lang yung tumatawag sakin ng nickname ko dito sa school. Sanay na din ako sa kanya kasi mula nong grade 8 pa kami ay yun na ang tinatawag nya sakin.

"Late ka na namang natulog noh!" Puna ko sa kanya. Nag pout lang sya sabay nod. Tsk!

"Kaka bl yan tsk!!" Puna rin ni Shaina.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon