"bakit wala ka kagabe??" Ericka asked while pouting..
Napatawa lang ako...
"Oo nga! Mag eenjoy ka sana!! Hinanap ka namin kay Tristan ka gabe, he said you're asleep na..." Juliet.
Napangiti ako."pagod na pagod kase ako kahapon... that's the first time na napagod ako ng ganon kaya...hindi kinaya ng katawan ko!."
Ne-heat to foot naman nila ako. Sabay sabay pa sila. At sabay sabay din silang napatango... Agreeing to each other.
Napabusangot lang ako sa kanila...
Sobrang payat ko siguro dahil ganyan sila...
Nasa labas na kami at tinatanaw ang karagatan. Nag picture picture din kaming apat.
"Yeah you're slim... bagay naman sayo! Pero kailangan mo din kumain ng mas marami pa!!.." -ericka.
"Yeah...para kang babae!! You have big butt too! Kahit payat ka!!!" Usal ni Anne.
Namula agad ako sa sinabi nya...napansin nya pa talaga yun...
"Kung mahaba lang ang buhok mo mapagkakamalan ka ng babae!! You have a soft feature...ang ganda ng mata mo at ang ganda din ng lips mo..kissable!" Pansin ni Ericka. Napatango agad sa kanya yung dalawa.
Napanguso lang ako at ramdam ang pang-iinit sa pinagsasabi nila.
"Sure ka bang hindi ka babae??!" Nagdududang sabi Juliet at tinitigan ako...
Nanlaki lang ang mata ko sa kanila at tinawanan sila sa kabaliwan nila tumawa nalang din sila...
Kahit na tumatawa ako ay nakaramdam ako ng kunting kirot at pait para sa sarili.
Sana nga...
Pero hindi na naman na yun mababago kahit gustuhin ko man... Dahil heto na ako...ganito na ako..
Marami kaming pinuntahang mga isla... Ang gaganda..at gusto ko uling balikan.
Naligo kami at nag picture picture. kaming lahat. At meron din kaming apat, kahit saan at ang taga picture namin ay si Tristan..at Meron din kaming dalawa, syempre bawal mawala yun. He always insisted na mag picture kaming dalawa.
Napanguso lang ako ng hinila nya na naman ako para magpicture.. naka akbay sya sakin. Ako naman ay naka estatwa lang sa tabi nya.
"Hey Rence, loosen up!! Para kang tuod dyan!!"natatawang puna ni Ericka. Sya kase ang kumukuha sa amin ng picture.. mayroon syang dalang DSLR.
Napanguso lang ako sa kanya. Humalakhak naman ang katabi mo..kinurot ko lang sya at ngumiti sa Camera.
Pagkatapos ay naligo na rin kami. Mabilis lang kami sa isang isla dahil marami pa kaming pinuntahan..
Nang bandang Tanghalian ay nag stop kami sa isang Isla. Karamihan ay mga Bato, malalaki. May tubig sa gitna nito na parang ginawang swimming pool ng nature... it's beautiful. Ang linaw-linaw ng tubig. Patag ang mga bato kaya doon kami naupo at kumain.
Mabuti at hindi masakit sa balat ang init...
Naglagay naman ako ng sunblock kaya hindi ako iitim nito ng malala.
"Whoahh..haha!" Tawanan nila nang sabay-sabay silang tumalon. Sina Calis, Clint, Crus, Greg at Xavier.
Tumawa agad kaming lahat ng mag banggaan si Crus at Greg. Kaya narinig namin ang malakas na "aww" sa kanila.
Napansin ko agad ang pag-iling ng ulo ni Tristan. Nakangisi naman ang mga katabi nya. Si Marco, Clint, Chester at Rafael. Rafael ang pangalan nung lalaking nakita ko sa duyan kaninang umaga. Nakaupo lang sila sa bato. May iniinom sila sa bote...beer ata.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomansaBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...