Pagpasok ko sa bahay ay naupo muna ako sa sala namin."Saan ka nagpunta Weng??.."takang tanong ni Mama. Nakapamewang pa sa harap ko. May dala dala syang sandok.
Nagluluto na siguro sya.
Ngumuso lang ako. "Kila Tristan.."sagot ko.
Ayaw ko namang magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko nalang.
"Oh? Talaga? Ano namang ginawa mo dun?" Tukso nya. Nakangisi pa sya.
Pero umirap lang ako sa hangin.
"Tsk tsk. Nagkabalikan na pala kayo ano!"
Napatingin agad ako sa kanya at
pinanlakihan sya ng mata.
"Ma!" Saway ko agad at tumayo na.
"Tsk. Bakit anong mali sa sinabi ko?? Huh?" Nudyo nya at sumunod sakin.
"Aishh..tumigil ka nga mama... Anong nagkabalikan ba?.." inis ko.
"Nagkabalikan! As in naging magkaibigan ulit!!! Ang hina mo rin nak!!" Paliwanag nya.
Huh?..sumakit ata ulo ko dun. Di ko nalang sya pinansin at umakyat na.
"Bumaba ka rito at tulungan mo akong magluto! Wala dito ang ate mo..." Sigaw nya.
Sumimangot agad ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay isinabit ko muna ang bag ko at nagpalit ng damit bago bumaba.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Papa na kakarating lang. Umalis pala sya.
"Pa!! Nagwork ka?" Tawag pansin ko rito. Lumapit agad ako rito at kinuha ang dalang bag nya saka nagmano.
"Oo eh! tumawag ang opesina..Nasaan si Mama mo Weng?.." malumanay nyang tanong. Halata ang pagod sa boses.
Ngumuso agad. "Nasa kusina.." nangingiti kong sagot.
Ginulo nya muna ang buhok ko bago dumeretso sa kusina.
"Mahal!.." tawag nya kay mama.
Napailing agad ako.
"Oh! Nandito kana! Kamusta!! Bakit ka-"
Hindi ko na sila pinakinggan at umakyat na sa taas para ilagay sa kwarto nina mama ang bag ni papa. Ang bigat non. Ano kaya ang nasa loob non.
Pagbaba ko ay nasa sala na si papa at nagkukulikot ng loptap.
"Ang tagal mo naman Weng!.." puna agad ni Mama. Sumimangot lang ako.
Pagkatapos magluto ay tinawag ko na Ang mga kapatid ko sa kwarto nila. Iisa lang ang kwarto ni Lea at Andra.
Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan.
Pagpasok ko sa kwarto ay nahiga agad ako at tumitig sa kisame.....
Pagkamaya-maya'y kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook.
Scroll lang ako ng scroll. Tinignan ko na rin kung ilan ang views ng story ko.
87 views. Ang dami pang nag heart.
Nakita ko pa dun ang message ni Nyx.
"San ka nagpunta Weng? Nakita kita kanina sa labas naglalakad!!" Basa ko sa text nya.
Nag reply naman agad ako. "Bumili lang ako gagi!" Ayaw kong sabihin sa kanya. Ang bibig pa naman nito.
Nagreply naman agad sya. "HAHAHA bumili ka may dalang bag? Ginagagow mo ba ako!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/286792548-288-k278477.jpg)
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomansaBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...