***
Napakagat labi nalang ako at napayuko nang umandar ang tricycle. Anong bang dapat kong gawin. Guilty na naman tuloy ako. Ano bang gusto nya."Ahmm. Di sagot ko nalang yung sabon panglaba mo! Deal??.." hirit ko pa sabay baling ko sa kanya. Tinaasan nya naman ako ng kilay.
Ngumiti lang sya ng sarkastiko."Ayuko... Anong akala mo sakin walang pambili!.."
Napanguso naman ako. "di ko namang sinabi na mahirap ka...ang akin lang para naman mabawasan yung guilty ko!!" Paliwanag ko sa kanya.
"ayaw ko parin." Tanggi nya at tumingin sa unahan.
Pisti ano bang gusto nito. Ano bang pwede e suggest.
"Kung ayaw mo.... Di ako nalang yung maglalaba!! Ano???.." suhestyun ko uli. Kasi yun lang naman ang last straw ko.
Binalingan nya naman ako ng seryuso. Tinignan nya muna yung mukha ko bago bumababa sa kamay ko. Napakagat agad ako sa labi dahil sa titig nya sa kamay ko. Ano bang meron sa kamay ko? Pagkatapos ay inangat nya ang ulo nya at bakas sa mukha ang pagtataka.
"You can wash clothes?... With those thin hands??.." taka nyang tanong.
Na insulto ako dun ah."huy!! Kahit ganito ka nipis yung kamay ko marunong ako maglaba!!..grabi ka ah...".Pinaningkitan ko sya ng mata. Anong akala nito? Porkit ganito lang yung kamay ko di na ako marunong maglaba...wala lang talaga akong time maglaba at isa pa si Mama at si ate yung naglalaba sa bahay.
"Okay!" He shrugged. Napanguso agad ako. Ayun gusto nya lang magpalaba. "But ayukong winawashing yung T shirt ko!..." Dagdag pa nya habang naka ngisi. Sinimangotan ko naman sya.
" Tsk. Arte naman nito!!" Bulong bulong ko.
" Anong sabi mo?..." Tanong nya.
" Huh. Wala sabi ko ok!!" Sabay ngiti ko nang matamis. Napatingin naman sya sa chicks ko. Nabigla nalang ako ng sinundot nya pisngi ko.
"Ang nipis din ng pisngi mo!..." Komento nya pagkatapos pindutin.
Napahawak agad ako sa mukha ko at iniwasan ang Mata nya. Parang namumula ata ako dahil ang init sa mukha. Bwesit naman toh! Pabigla-bigla. Nanahimik nalang ako dahil parang na blanko ata ako dahil sa lakas ng tibok ng dibdib ko.
Pagkalampas samin ay tinignan ko sya saglit. Seryuso lamang syang tumitingin sa labas.
"Dito na Manong," sabi nya sa driver. Huminto naman ito sa harap ng Village.
Bumaba na agad ako at hinanap ang wallet sa bag.
"Ito na Man- huh?" Nagulat ako dahil wala na ang tricycle sa harap namin. Binalingan ko naman sya. Nakapoker face nya naman akong tinignan.
"Lika na..." Bored nyang sabi at nauna ng lumakad papasok. Binati naman sya ng Security guard, tinanguan nya lang ito. Sumunod nalang ako sa kanya.
Sya nagbayad diba???. Hehe nalibre ako.
Ilang bahay pa yung nadaanan namin. Ang lalaki ng mga bahay at ang gagara ng mga sasakyan sa garahe. At ang linis parin ng Village na ito. Alagang-alaga. Hindi naman ito ang una na nakapasok ako dito dahil nung elementary ako ay may naging kaibigan ako na nanirahan dito kaso nasa America na sya. Baka nga di na ako kilala nun dahil ang tagal na. Di ko na nga maalala ang mukha nun eh.
Pagkalagpas namin ng pang limang bahay ay may lumabas na asong kulay Puti. Tumakbo ito papunta kay Tres.
Arf!arf...
"Yes yes... I'm here baby haha" kinarga nya ito habang dinidilaan ang mukha nya. "Stop it scarlet hahahah!!" Suway nya sa aso dahil likot ng likot. Scarlet pala pangalan. Ang ganda naman. Mas maganda pa yung pangalan ng aso kisa kay Nyx.

BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...