Para akong lumulutang papasok ng School. Hindi ko nga malaman kung paano ako nakapasok kahit wala ako sa sarili.... Di ko alam kung paano ako nakasagot sa math quiz kahit lutang.
I'm out of this world. Parang naiwan ata ang kaluluwa ko sa isla dahil hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kahit halos one week na ang nakaraan.
Pagkatapos nya akong halikan ay hinila nya na ako sa room namin at iniwan doon ng walang sinasabi at pinapaliwanag.
Gulong- gulo ang utak ko ng humiga sa kama.
At nagtatanong kung bakit nya ako hinalikan. May gusto ba sya sakin?....
Hindi na ako nakatulog nun..basta natanaw ko nalang sa labas na maliwanag na kaya nag-aayos na ako ng gamit nang pumasok sya. Hindi ko sya tinignan. Tahimik lang naman sya at nag ayos din ng gamit nya hindi nagsasalita.
Naalala nya ba ang ginawa nya ka gabe?. Bakit parang wala lang sa kanya.
Lasing na lasing ba sya kagabe kaya nya nalimutan?...
Parang tinusok ang puso ko sa isipang yon.
Tumikhim sya kaya natigil ako sa ginagawa pero hindi sya tinignan.
"Maaga tayong...aalis ngayon..." kalmado nyang sabi.
Tumango lang ako at hindi sya na tinignan...
Nangunot lang ang noo ko at parang may namumuong galit sakin dahil kalmado lang sya..parang wala lang sa kanya...parang walang naaalala! Pati yung sinabi nyang manonood kami ng sunset!!! Kinalimutan nya rin yun?!.. parang mas lalo akong nainis sa kanya...sa kaisipang nagsinungaling sya...
Ano yun nakalimutan nya talaga?!. Mas mabuti sana kung pareho kaming lasing non at pareho rin naming makakalimutan pagkatapos....
Pero ako hindi...
Parang tumamlay ang katawan ko nang paalis na kami..
Nang sumakay kami sa Yate nila ay tahimik lang ako hanggang sumakay kami sa sasakyan nya nakatingin lang ako sa labas.
Hindi ko na nakita sina Ericka kanina, baka mga tulog pa...
Pagdating namin sa harap ng bahay pababa palang sya ay bumaba na ako.
"Thank you.." sing lamig ng yelo ang boses ko na kahit kailan ay hindi ko pa nagagamit. Sa kanya lang. Pansin ko agad ang pagkatigil nya.
"Lawrence.." mahinang tawag nya kaya medyo napatigil ako ng hindi sya binabalingan. Hinintay ko kung may ka dugtong, pero mag iisang minuto na, wala parin kay lumakad na ako dire-diretso papasok ng bahay.
Kinamusta muna ako nila mama at mga kapatid ko kung anong nangyari bakit matamlay ako pero sinabi ko nalang na pagod ako, dahil yun naman talaga ang totoo. Napagod ako. Dahil siguro sa pagod kaya nakatulog agad ako...
"Huy, HUY!!!" Naramdaman ko nalang ang hapdi sa pisngi ko dahil sa sapak ni Nyx. Tinignan ko agad sya ng masama pero tumaas lang ang kilay nya.
"Nung isang araw ka pa! Ah hindi lang pala...nong nakaraang, nakaraang,narakaraang araw KA PA LUTANG!!!." pasigaw nyang sabi at naiinis na umupo sa tabi ko.
Natauhan agad ako. Nagising sa malalim na iniisip.
"Ano ba kaseng nangyari sayo! Alam ko nagka ganyan ka lang nung umuwi kayo galing Monreal. Ano naiwan na ba dun kaluluwa mo?!." Nagaalala nyang tanong.
Nasa pinakalikod kami ng School, tumatambay. Kaming dalawa lang. Kita ang mga bulubundukin at malakas ang hangin rito kaya masarap tumambay. Free time namin ngayon kaya kami nandito.
Napangiti lang ako sa sinabi nya. Siguro nga naiwan dun.
"Anong ba kaseng nangyari Weng! Alam kong may problema ka!...hindi ka ganyan kong wala!" Naiinis nyang sabi at pinaharap nya ako sa kanya. Kaya nag eye to eye kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/286792548-288-k278477.jpg)
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...