Agad akong nagpaalam sa kanila na babalik na ako sa Cabin dahil magpapalit na ako.
I'm dead tired... At parang gusto ko ring matulog.
Pag pihit ko nang tarangkahan ay nakahinga agad ako. Akala ko naka lock. Agad akong pumasok.
Wala pa sya?. Pero bukas ang pintuan. Ni-lock nya to kanina.
Agad akong dumeretso sa banyo dahil basa pa ako. Hinubad ko agad ang damit ko. Kahit pagod na pagod ay pinilit ko parin ang katawan ko na maligo nang maayos. Pagkatapos ay kinuha ang tuwalyang nakasabit at itinapis sa bewang. Lumapit naman ako sa lababo at tinignan ang sarili sa Salamin.
Namumula ang mukha ko pati katawan. Namumungay rin ang mata ko dahil siguro sa antok.
Paglabas ko ay wala pa rin sya...nagsasaya siguro sila ng mga kaibigan nya.
Lumapit agad ako sa bag ko at tinignan muna ang cellphone. 5pm na.
Napatingin agad ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwal si Tristan na nakakunot ang noo. Agad namang kumalma ang mukha nya nang magtama ang mga mata namin.
Agad naman akong na estatwa sa kinatatayuan. Tf! I'm half naked.
"Di ko na kayo nakita kanina, bumalik ako dito kanina pero wala ka kaya
Hinanap ko kayo...Saan kayo tumambay?" Usal nya at sinara ang pintuan.May nakalagay na towel sa balikat nya. He's dry. Siguro dahil sa malakas hangin.
"Ahm... Pumunta kaming pool... sa west!!" Sagot ko at tinalikuran sya.
Hinalungkat ko agad ang bag ko ay kumuha ng damit. Na co-conscious ako sa katawan ko.
"Uh-uh... Are you tired? You should rest.." Napapaos nyang sambit. It's a bit husky. Kaya parang nanginig ang kalamnan ko. Napa estatwa agad ako ng maramdamang nasa likod ko sya.
Nararamdaman ko ang mariing titig nya.
"Nanood kaba kanina?" Mahina nyang tanong gamit ang mababang boses.
Napakagat agad ako sa labi. Parang nang init ang pakiramdam ko. Parang hihiwalay na din ang puso ko sa katawan ko sa sobrang pintig nito.
Kinalma ko muna ang sarili bago sya hinarap at nginitian. Tumikhim agad ako.
"Oo kanina! Ang galing nyo nga eh!! Ang galing ni Clint!."
Sumama agad ang mukha nya at sumimangot.
"Sya lang ba ang pinanood mo buong laro?.."medyo may bahid na inis ang boses nya.
Nangunot lang ang noo ko at taka syang tinignan. "Huh? Syempre kayong lahat..ang gagaling nyo..."
Sayo lang nga nakatuon ang mata ko kanina....
"Tsk."rinig kong asik nya. "You should change, baka lamigin ka..."
"Right.."Agad akong nataranta at sinakop ang damit gamit ang dalawang kamay. Pagtingin ko sa kanya ay mariin syang nakatingin sa bewang ko. Namula agad ang mukha at nagmamadaling pumasok sa banyo. Naabutan ko pa syang naka kagat labi habang nakatingin sa katawan ko. Agad kong sinarado ang pinto dahil sobrang lakas ng tahip ng puso ko.
TH!!anong tingin yun??.
I know he's just teasing me for being payatot...
Hmmp...Porket malaki ang katawan nya!!
Mabilis naman akong nagdamit dahil alam kong maliligo rin sya.
Paglabas ko ay nakatayo lang sya at nagcecellphone.
Nagpupunas naman ako ng ulo ko.
Pag-angat nya ng tingin ay agad kaming nagkatinginan. I bit my lip and look away. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag ngisi nya.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...