chapter 6

36 5 0
                                    


"Karren may dala kang extra jogging pants?" Tanong ni Shaina kay Karren nag che-check nang attendance. Tinignan lang sya nito at tinanguan. Nasa Court kami dahil P.E namin ngayon.

"Weng!" Tawag pansin sakin ni Nyx.

"Ano?" Sabat ko at lumapit sa kanya.

"Pahila nga nang kamay ko! Parang bumaliktad ata yung buto ko sa balikat!.. " maarte nyang sabi at itinaas ang kamay sa harap ko. Inilingan ko sya at hinawakan yong kamay nya.

"Bakit? Ano bang nangyari dito!?" Tanong ko saka hinila bigla yung kamay nya.

"AWWW ugh Weng naman eh!!" Reklamo nya agad. "Di ka manlang nag bilang!!" Dagdag nya habang hinihilot hilot yung balikat nya.

"hahahaha sorry! Di ako na inform eh!.." tawang tawa kong sabi sa kanya.

Bumusangot agad sya at bigla akong itinulak.

"Nyx-ugh" napapikit agad ako dahil sa lakas ng tulak nya. Ini expect kong tatama ako sa seminto at may sasakit sa katawan ko pero ilang minuto na ay di parin nangyayari.

Napakunot agad ako nang noo at dahan dahang nagmulat nang mata. Nakatumba ako sa matigas na bagay pero wala akong nararamdamang sakit. Di ko pa ma-imulat ng maayos ang mata ko dahil nakakalula ang taas ng court. Hanggang sa nakarinig ako ng daing sa bandang tenga ko at kiliti galing sa hininga, kaya't dahan dahan ko syang nilingon.

Parang bumagal ata yung ikot nang mundo, nag slowmo yung galaw ng mga tao at nawala yung naririnig kong ingay kanina pagkatingin ko sa mga mata nya. Ang tanging naririnig ko lamang ay yung lakas nang tibok ng puso ko.

It's corny... Pero ganun ko ma e- explain ang nararamdaman ko sa oras na ito...

Ilang minuto pa kaming ganun ang postora, magkatitigan na parang walang tao sa paligid.

"Wenggg, OMG sorry!!" Tili ni Nyx ang nagpabalik sa katinuan ko at bigla nalang nag panik pagtayo. Dahil madulas ang Court muntik ng mabasag pagmumukha ko sa semento mabuti at nahila agad ako ni Tristan pabalik sa sa kanya. Ang kaso nga lang ay sa tyan nya ako napa-upo.

"Ughh shit!!!" Daing nya. Nanlaki agad ang mata ko at umalis sa kanyang tyan.

Ang tigas nang tiyan nya!!parang may abs..

Pagkatingin ko sa kanya at kunot na yung noo nya. Parang nagsisisi sa buhay.

Umupo agad sya at tinignan ako nang seryuso saka tumayo.

"What happened?." Tanong agad ni Calis kay Tristan. "Are you okay??" Dagdag nyang tanong at sinundan si Tristan na papalabas ng court. Tinanguan lang sya nito. Napakagat labi agad ako nang makita ko ang dumi sa likod ng t shirt ni Tristan. Ito na naman tayo.

"Wenggg ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Nyx. Sinamaan ko agad sya ng tingin.

Dahan-dahan naman syang lumapit habang nakangiwi at tinulungan akong tumayo. Sya na rin yung nag-pagpag nang dumi sa pants ko. Di parin naaalis yung pamatay kong tingin sa kanya.

"Ang sarap mo talagang sakalin!" Nanggigigil kong sabi sa kanya. Napa-atras agad sya at nagkunwaring takot sakin.

"Sorry na plsss!" Hinging tawad nya at naiiyak akong tinignan. Inirapan ko lang sya at lumabas ng court.

Nakita ko naman si Calis sa hallway na seryusong naglalakad.

Nagkatinginan agad kami. Seryusong seryuso yung mukha nyang napatingin sakin. Ako nalang yung nag-iwas nang tingin dahil nakaka-guilty. Lagi nalang may nangyayari sa kaibigan nya dahil sakin.

Kagat kagat ko yung thump finger ko at dahan dahang naglakad palampas sa kanya.

"Wait!!" Bilog na boses nyang usal. Nakakatakot naman.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon