Chapter 16

29 3 2
                                    

Kinabukan ay alas otso na ako nagising. Ang sabi pa naman ni Tristan kagabe ay 8am kami aalis. Susunduin nya ako.

Late na kase akong natulog kagabe...

Habang nagsisipilyo ay inopen ko ang cellphone ko at tinignan kong mayroon syang text. Wala naman. Tumingin nalang ako sa salamin. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang bag ko.  Ne-ready ko na kase kagabe ang mga dadalhin ko. Lalo na ang damit. Nakasuot lang ako nang white printed t-shirt at short. Nag flat shoes nalang din ako.

Tingin ako ng tingin sa Cellphone habang pababa sa hagdan namin.

9 am na pero hindi parin sya nagte-text.

Kunot ang noo nang lumingon ako sa sala.

Agad akong napatigil dahil parepareho silang tatlo ng mga kapatid kong nakatingin saakin.

Napatulala lang ako sa harap nila....

Nakasuot sya ng white polo shirt button down at printed short. Bagay na bagay sa kanya, para syang model tignan. May sunglass pa na nakasabit sa dibdib nya.

"Ang tagal mo Kuya Weng kanina pa dito si Kuya Tan!!" Napatikhim agad ako nang sabihin iyon ni Andra.

Nginusuan ko lang sya."Ba't hindi mo ko ginising" pinanlakihan ko sya ng mata, pero inirapan nya lang ako. Abahh...

Iirap din sana ako kaso napatikhim nalang ulit dahil seryosong nakatingin saakin si Tristan.

"Bakit hindi ka nagtext na nandito kana!" Mahina kong tanong sa kanya at lumapit sa kanya. Inangatan nya naman ako ng tingin dahil naka-upo sya sa sofa.

Ngumuso lang sya at ngumisi. "Tsk. Ang tagal mong bumangon!" Reklamo nya.

Ngumiwi lang ako...

"Oh Weng mag-almusal ka muna. Ang tagal mong gumising, kanina pa yang si Tantan dito naghihintay sayo...hindi ka man lang nahiya.." tuya nya.

Ngumuso lang ako.... At tinignan si Tristan..anong oras ba'to pumunta rito! At hindi nalang ako ginising ano.... sinimangutan ko muna sya bago tumalikod at pumuntang kusina. Binilisan ko nalang ang pag-inom ng kape...'kape now, die later' at tatlo pancake lang ata nakain ko.

"Ma alis na kami!" Paalam ko bago ako lumabas ng bahay. Iwan ko kung narinig nya.

Paglabas ko ng Gate. Ay hinanap ko agad si Tristan dahil nawala.

"Hah? Asan na yun!" Putik baka iniwan na ako nun sa sobrang tagal ko.

Nangunot naman ang noo ko dahil may naka park na kotse sa gilid ng gate namin. Kulay black yun i think it's a sedan... I'm not sure dahil naman ako intirisado sa mga kotse...

Iniwas ko nalang ang mata ko roon at tinignan ang cellphone....

Kita ko sa peripheral view ko na umandar ang kotse. Napa-angat agad ako ng tingin ng tumigil ito sa harapan ko.

Napakunot agad ako sa noo... Tinted ito kaya hindi ko makita kong sino ang nasa loob....

Napa-atras agad ako ng bumukas ang nasa harap kong pinto nito..

Baka may bababa...

"Lawrence.." lito lamang akong sumilip sa loob ng kotse dahil boses yun ni Tristan...

Nanlaki agad ang mata ko ng makitang sya nga.... Nakatunghay lang sya sakin at nakapangalumbaba sa  steering wheel...napanguso agad nya nang makita ang gulat kong expression....

Kaninong sasakyan to?

He just chuckled.

"Pasok na!"

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon