"Ahmm. Marco! Thanks sa libre ah..."nahihiyang sabi ni Nyx kay Marco.Ngumiti lang sa kanya si Marco. Nasa unahan sila at nag-uusap. Si Calis at Tristan naman ay nasa likod ko, tahimik lang. Ako lang yung Walang kapares...ayuko namang makisabay kay Nyx dahil parang third wheel na ako nun.
Pag-angat ko nang tingin sa itaas ay wala ng araw.
Anong oras na ba?
Tinignan ko nalang yung wristwatch ko. Alas singko na pala.
Pagtingin ko sa harap ay naabutan ko si Nyx na nakatingin sakin. Sininyas ko agad yong relo ko at tinignan sya nang anong oras ka uuwi?. Hanggang Alas singko lang yung paalam nya eh. Papagalitan na naman sya.
Napanguso agad sya at humarap kay Marco at may sinabi rito. Di ko marinig dahil ang hina. Nakita ko nalang na tumango-tango si Marco.
Lumapit si Nyx sakin at humawak sa braso ko.
"Anong oras na weng??.." tanong nya. Pinakita ko nalang yong Relo ko.
"Patay!!..." Nanlaki agad yung mata nya at tarantang pumara nang tricycle.
"Weng Uwi na ako!! Ahmm. Marco salamat uli...uuwi na ako..." Taranta nyang paalam at pumasok sa loob ng tricycle.
Umiling-iling lang ako sa kanya.
"Hahaha yeah take care.." natatawang sabi ni Marco sa kanya.
"Uwi na ako bro..." Rinig kong paalam ni Calis kay Tristan sa likod.
"Marco pree..alis na ako! Next game ulit.." Tawag pansin nya kay Marco. Tinanguan lang sya nito at nginisihan.
Pagkasakay ni Calis sa loob ay rinig ko agad ang reklamo ni Nyx.
"What the... ba't dito ka sa loob?" Reklamo agad ni Nyx. Na iimagine ko agad yung galit nyang mukha.
"May space dun kay manong oh!" Dagdag nya pa.
"e dito ko gusto umupo problema mo ba hah? Sayo ba to?"sabat ni Calis.
Nag-aaway pa sila hanggang sa umalis yung tricycle.
Nakangiwi lang ako habang nakatingin dun sa tricycle hanggang mawala sa paningin ko.
Ngayon ay kaming tatlo na lamang ang natira. Ang awkward nang sitwasyon na to.
Pagtingin ko sa likod ay si Tristan lang yung nakita ko. Seryuso lamang yung mukha nya at nakatingin sakin. Nakapamulsa pa sya. Napakunot noo agad ako.
"Nasaan na si Marco?" Taka kong tanong sa kanya.
Tumaas lang yung Kilay nya.
"Why?? You miss him?'" seryuso nyang tugon.
Tinignan ko lang sya nang di makapaniwala.
Seryuso ba sya? Hindi ba sya nandidiri sa tanong nya?.
Di ko nalang sya pinansin at naglakad nalang na parang wala akong kasama. Di ko alam kung sumunod sya dahil wala akong naririnig na naglalakad sa likod,ang tahimik eh.
Pagkalampas sa plaza ay bumaling na ako sa likod. Napa-atras agad ako nang makitang ang lapit-lapit ng katawan nya sakin. Nanlaki agad yung mata ko ng ma madulas ako. Mabilis nya naman akong hinila papunta sa kanya.
"Nhghhh...huh." ang lakas ng kapit ko sa damit nya.
Muntik na yun.shit.
Ramdam ko agad ang lakas nang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ramdam ko rin ang tibok ng puso nya. Malakas. O baka sakin lang yun.

BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
Lãng mạnBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...