Chapter 13

50 4 3
                                        

                                            ***
"To find x when Y is equal to zero, you can use this factored form blablabla" salita nya. "Didkdksosksksk... Do you get it.." malumanay nyang tanong.




Ako naman ay tango lang nang tango kahit hindi naintindihan ang sinasabi nya dahil sobrang kabog nitong dibdib ko at parang magko-collapse na ako dito ano mang oras.





Pano ba naman kase!!! Dikit na dikit  yung katawan naming dalawa. I mean yong mga siko namin. Tapos yong ulo namin medyo magkadikit pa!





Nasa study table nya kaming dalawa. Medyo maliit ang space dahil pang-isahang tao lang ito pero kasya naman kaming dalawa. Sa payat ko ba namang ito. Tig-isa naman kaming upuan pero dikit na dikit parin kami. Paano ako makakapag concentrate nyan?.




Sya daldal lang nang daldal hindi chini check kung ang tinuturuan nya ay humihinga pa ba!..tsk.



Di ko nga alam kung ano na ang pinagsasabi nya dahil focus lang ako sa magkadikit naming katawan at sa hininga nyang tumatama sa tenga ko. Ang bango nya pa. Shit lang talaga!.



"Hey!!..."

"Arayy.." Napa-angat agad ako ng tingin sa kanya nang pitikin nya ako sa noo.



"Huh!" Tinignan nya ako nang di makapaniwala. "I knew it! You're not listening!!!" Puna nya at medyo dumistansya sakin para tignan ako ng mabuti.


Napakagat labi lang ako at sumimangot.


"I- I'm listening...." Utal kong sagot. Nahihiya ko lang syang tinignan.

Pinanliitan nya naman ako ng mata.

"Is that so?? Then ano yung sinabi ko palang hmmm?" He asked, Sabay ngisi nya. Tumaas pa yong isang kilay nya.

I bit my lip. "Ahmm..." Nangunot lang yung noo ko dahil sa tanong nya at kunwaring nag-isip.

"Hmmm... answer me.." usal nya. Nakangisi parin sya. Titig na titig pa sakin.

"Ahmm... A-Ano..."


Parang nagkapurutol ata ang brain cells ko!! Wala akong maisip. Blanko ang utak ko.

"See!!!" Puna nya. "You're not listening!."


"Ehh.." mas lalo ko lang nakagat ang labi ko dahil sa hiya. Umiwas agad ako nang tingin sa kanya at pinikit ang mga mata.


There was a deafening silence.

Pagmulat ko ay tinitigan ko lang ang libro na nasa harapan ko. Alam kong nakatitig sya sakin.


Di ako makarason sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin.


Alangan namang sabihin kong, dahil sa kanya hindi ako makafocus. Dahil kapag malapit sya, Sobra pa sa takbo ng kabayo itong tibok ng puso ko! Ano pa kaya itong dikit na dikit kami. Dumubli pa yon.

Kasalanan nya naman eh!.

"Hindi ka parin ba komportable sa'kin?.." Pagkamaya-maya'y tanong nya.

Napalingon agad ako sa kanya. Yung tingin nya ay parang nanlumo.

Umiling agad ako sa kanya at kinunutan sya ng noo.

"Hindi.." tanggi ko agad.

Tinitigan nya naman ako sa mata.  "then.. why are you always nervous when I'm near with you? it's like you don't want me hanging around you." Usal nya sa malungkot na tono.



 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon