Inosente lamang kaming tinignan ni Lea at nagtataka ang mukha kung bakit ko itinulak si Tristan. Nakaupo na si Tristan sa sofa, ako naman ay nakatayo lang.
"Are you two fighting?." Nakapout nyang tanong habang papalapit saamin.
"Fighting is bad," mahinang usal nya. Umiling agad ako.
"Hindi kami nag-aaway," nakangiwi kong sabi.
"Pero kuya tinulak mo si Kuya Tantan, i saw it." Sumimangot sya." You should say sorry! Isusumbong kita kay mama. Kawawa naman si kuya Tantan inaaway mo!." Banta nya. Pero ang cute nya tignan. Kapatid ko nga to, parehas kami cute.
Mas lalo akong ngumiwi at tinignan si Tristan. Sinamaan ko sya ng tingin dahil ang laki ng ngisi nya. Inirapan ko sya na agad napuna ni Lea.
"See!!! Iniirapan mo si kuya Tan, you're bad! Kuya pa naman kita!!" Naiinis syang napakamot sa ulo.
Napatawa lang ako dahil para syang na e stress, ang bata bata nya pa.
"Tsk. Hindi nga kami nag-aaway Lea! Hindi ko sya inaaway!" Bigo kong paliwanag.
Umingos lang sya at nagkrus ng braso.
I sigh. Tinignan ko ulit si Tristan. Na nagpipigil ng ngiti. Gusto ko ulit syang irapan pero nakatitig sakin ang kapatid ko. Hindi manlang nagsasalita!! Hindi pinapaliwanag ang side nya para naman tumigil na itong si Lea.
"Ok, sorry." Inis kong sabi sa kapatid.
Sumimangot agad si Lea. "Hmmp... you're not sorry," nanliit ang mata nya.
"What? Nag sorry na ako! Sorry yun! Anong gusto mo lumuhod ako!!" Pagalit kong sabi sa kanya at nilapitan sya."grade 2 ka palang diba? Nanonood ka lang dapat ng cartoons hindi nakikisali sa away ng mga matanda," usal ko habang kinukuha ang remote at binuksan ang TV. Inilagay ko agad ito sa channel na favorite nya. Tom and Jerry ang palabas.
"Ayan! Manood ka dyan!" Pinanlakihan ko sya ng mata.
Sumimangot lang sya at kumamot. "Sorry," mahinang usal nya. Agad syang umupo sa pang-isahang upuan at tumitig sa TV, parang walang nangyari. Umiling lang ako.
Agad akong napalingon sa likod nang marinig ang marahang tawa ni Tristan. Sinipa ko sya sa paa. Mahina lang yun. Tumigil sya sa pagtawa at kinagat ang ibabang labi pinipigilan ang sarili.
Sisipain ko pa sana sya kaso agad akong natigil ng lumabas si Ate at ang babaeng kasama ni Tristan, sa kusina. Nag-uusap silang dalawa. Kasunod sa kanila si Andra. Umayos ako ng tayo at umatras ng mabilis na naglakad ang babae papalapit saamin.
Umiwas agad ako ng tingin at tatalikod na sana kaso hinawakan ako ng babae sa kamay. Nabigla ako kaya natapik ko ang kamay nya. Nanlaki agad ang mata ko at lumapit dito.
"So-sorry, nabigla lang ako!"
Omygod baka magalit sakin si Tristan nito!!sinasaktan ko ang girl friend nya!!.
Hinawakan ko ang kamay nya. Ang lambot ng kamay nya, pero hindi ko na yon pinansin at sinuri ang kamay nya na tinapik ko. Napakagat agad ako sa ibabang labi nang makitang namumula ito. Ang puti nya pa naman kaya klarong-klaro.
Pag-angat ko ng tingin ay nawala agad ang pag-alala ko dahil ang laki ng ngiti nya. Parang hindi sya nasaktan.
Tumawa sya at ngumiti."It's okay Rence, kasalanan ko naman dahil hinawakan kita."
"Pero...namumula.." puna ko at tinitigan ang kamay nyang hawak ko.
"It's ok-" di nya na natapos ang sasabihin ng hinablot ni Tristan ang kamay ng babae.

BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...