Chapter 15

37 4 0
                                        


"oh nandito pala sina Lawrence oh!" Pansin agad saamin ni Izhar kaya tumingin silang lahat sa mesa namin.

Kita ko agad ang pag ngisi ni Warren at agad na lumapit sa amin.

"Tsk. Hindi nyo manlang ako inaya!" Nagtatampo nyang sabi at namiwang sa harap namin.

"Tsk. Hindi ka naman kasali sa grupo namin..." sabat agad ni Karren.

Napa nguso lang sya kay Karren. Hindi na sya sumabat... Syempre si Karren na yun eh...

Umupo agad sya sa tabi ko at tumuhog nang kwek-kwek sa akin.

Napasimangot agad ako sa kanya at kinurot sya.

"Hindi manlang nanghingi!!!"inis kong sabi.

Ngumisi lang sya sakin."tsk. Matik na yun!!!" Usal nya.

Oh diba! Ang talino nito pero walang modo. Tsk.

"Bumili ka nalang nang sayo!!!" Naiinis kong sabi dahil kunti nalang nga yung kwek-kwek ko makikikain pa sya.

Tinulak tulak ko pa sya pero hindi natitinag. "Ano ba!!! Warren!!"

"Tsk. Iniinit pa yung order ko... don't worry hati rin tayo non.." pagpapagaan nya nang loob sa'kin.

Talaga lang....

Pinabayaan ko nalang sya.

Pagtingin ko sa kabilang mesa ay nandun na sina Calis naka-upo. Nitong katabi lang naming mesa.

Nagtatawanan sila at kung ano-ano ang pinag-uusapan.

Tumaas agad ang kilay ko nang mapansin ko ang seryosong titig ni Tristan. Kahit na kinakausap sya ni Marco ay na saakin ang mata nya.

"Lawrence!" Napalingon agad ako kay Karren nang tawagin nya ako.

"Samahan mo nga ako, bili tayo nang maiinom!" Usal nya.

Tumango agad ako at tumayo.

"Sprite sakin Ren!" Sabi agad ni Angel.

"Sakin din!" Si Reyann.

"Akin tubig lang!!" Sabay na sabi ni Nyx at shaina.

"Sayo athine?" Tanong ni Karren kay Christine na busy sa cellphone.

"Huh? Ah tubig lang din!!!" Sabay ngiti nya.

Pagkatapos ay Sabay kaming naglalakad papuntang bilihan.

"Ate pabili ngang apat na mineral water at dalawang sprite sa maliit na plastic bottle." Sabi nya sa tindira at tumingin sakin."at C2 din po isa! Red lang po!!" Dagdag nya.

Napangiti agad ako.

Syempre alam na nila yan.

Habang naghihintay kami ay nilibot ko muna ang tingin ko.

Napadpad ang mga mata ko sa kabilang mesa. Nandun yung babaeng kausap ni Calis kanina. May mga kasama sya, bali apat sila.

Nang magkatinginan kaming dalawa ay Ngumiti sya. Mas lalo lang syang gumanda ng ngumiti sya, kaya napangiti rin ako ng tipid. Ang pangit naman kong hindi ko suklian ang ngiti nya diba?

Pag-abot ng sukli kay karren ay bumalik agad kami sa mesa namin. Ako ang nagbitbit ng drinks. Wala si Nyx Iwan kung nasaan....

Pagtingin ko kay Warren ay nakatingin din sya sakin. Hinihintay siguro ako dahil hindi nya pa sinisimulang kainin ang binili nyang Kwek-kwek. Nakangiti pa sya. Agad ko syang inirapan. Pagtingin ko sa kaliwa ay naabutan yon ni Tristan kaya nangunot ang noo nya.

Nasa dulo sya nakaupo kaya medyo sya malapit saamin.

Umiwas nalang ako at naupo na sa tabi ni Christine, si Nyx ang nakaupo doon kanina. Ayaw ko rin namang makisiksik doon sa kinauupuan ko dati dahil nandun na si Warren.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon