Chapter 7

30 5 0
                                    


"Wenggg! Tara naaa!" Sigaw ni Nyx at pumasok sa room ko.

"Aishhh mamaya na ang init-init  pa kaya! Alas dos palang oh!!" Irita kong sabi at dumapa sa kama.

Sabado ngayon at nasa bahay kami.

" Tsk arte naman nito! Porke ang puti mo!" Inis nyang sabi at humiga rin sa kama ko.

Oh diba! At home na at home. Okay lang naman sakin. Sanay na kase ako sa kanya. Sanay na ako sa ka bwesitan nya. Kahit medyo malayo yong bahay nya samin dadayo lang talaga sya rito dahil bored sya at b-bwesitin ako! Kung hindi naman ay hihilahin nya ako palabas ng bahay papuntang plaza dahil nandun ang crush nya naglalaro ng basketball. Charger nya raw yun. Parang sira!

Di ko nalang sya pinansin at saka kinuha ang cellphone sa side table. Mag-o-online lang ako.

"Weng dali naaaa!!" Maka-awa nya.

"Baka pagpunta natin dun wala na si Dela Vega!! Hindi ko na naman sya makikita huhu! Ilang linggo ko nang hindi sya nakikita huhuhu... Mauubos na yung energy ko! Kailangan kong mag charge!!..." Pa-iyak iyak nyang sabi. Nagdadrama na naman.

"Bwesit kasing Lañero na yun!!! Nakakainis..." Galit nyang usal at sinuntok suntok yung mukha ni Stetch sa unan ko na parang mukha iyun ni Calis.

Sira-ulo na talaga ang babaeng to!.

"Tsk. Tama na nga yan!! Lumabas ka na magpapalit lang ako ng damit!!" Taboy ko sa kanya.

"Yey!" Diwang nya. " Bilisan mo hah!" Usal nya saka lumabas ng kwarto ko.

" Titahhh lalabas po kami ni Weng..." Sigaw nya habang pababa nang hagdan.

Napahilot agad ako sa sentido. Nakakasakit talaga nang ulo ang babaeng to!


"Bilisan mo maglakad!!!.." inis nyang usal at hinila hila ako.

Sinapok ko agad sya.

"Excited???" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"bitiwan mo nga ako..masakit na sa kamay! Para namang mapapansin sya ng crush nya tsk..." Asik ko sa kanya.

Nagpout lang sya at saka sumimangot. Binitiwan nya agad yung kamay ko.

"Sobra ka naman weng...nakakasakit ka nang damdamin...parang di kita bestfriend!" Malungkot nyang sabi at mangiyak-ngiyak akong tinignan.

Nginiwian ko lang sya at hinila sa may tindahan.

Bumili muna kami nang pang snacks at tubig. May binili din syang gatorade. Alam kong ibibigay nya na naman yun kay Marco.

Si Marco Dela Vega ay crush nya mula grade 8 palang kami. Minsan nya lang ito nakikita kapag naglalaro ng basketball sa plaza. Sa city kase ito nag-aaral kaya lagi nyang inaabangan tuwing sabado para makita lamang.

Papalapit palang kami sa plaza ay rinig na namin ang hiyawan ng mga tao at tambol ng bola.

Nangunot agad ang noo ko dahil ngayon lang nangyari ang ganito. Marami ang taong nanunuod. May sumisigaw pang 'foul'.

"Bilis Weng!! May dayo siguro kaya ang daming tao!!" Excited nyang sabi at hinila ako papasok sa loob ng plaza. Agad naman kaming pumunta sa dulo ng upuan sa right side. Doon kasi kami palaging umuupo dahil malapit kung saan laging naka-upo ang team nina Marco.

"Hala may bago silang mga kalaro!!" Usal nya. Tumingin nalang ako sa mga naglalaro.

Nangunot agad ang noo ko nang makita ko si Calis. Sya agad yung nakita ko dahil sya yung may hawak nang bula at binabantayan sya ng kasama ni Marco. Agad nya itong ipinasa sa taong tumakbo at sh-in-oot sa ring.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon