Monday ngayon at late na akong nagising. Hindi na naman ako ginising ng mga kapatid ko tsk. Pagkatapos kong maligo ay nagpunas at nagbihis agad ako. Parang dalawang menuto lang ata ang pagligo ko. Pagkatapos kong magsapatos ay bumaba agad ako.Naabutan ko naman si Mama na naghuhugas ng mga pinggan."Mah... Alis na ako!" Paalam ko sa kanya.
Binalingan nya agad ako at tinaasan ng kilay.
"Di ka mag-aagahan?," Tanong nya at itinigil ang tina-trabaho. Nagpout lang ako sa kanya.
"Dun nalang sa School, late na ako eh!!" Sabat ko.
Binigyan nya naman agad ako ng 50 pesos. Paglabas ko sa bahay ay naghintay pa ako sa tricycle.
Ang tagal naman!
Tingin ako ng tingin sa relo ko dahil late na ako. 7:30 na.
Malayo palang ang tricycle ay pinara ko agad ito. Pagdating nito sa harapan ko ay papasok na sana ako sa loob nang makita kong may nakasakay na palang dalawang babaeng studyante rin kaya dumeritso agad ako sa likod ni Manong driver at Sumakay.
Pagbaba ko sa tricycle ay tumakbo na ako papasok ng school.
Kunti nalang yung tao sa labas, mga studyante rin na tulad kong late.
Pagdating ko sa room ay nagtuturo na si Ma'am Gracia.
Kagat-kagat ko lamang ang labi ko at saka humarap sa pintuan. Nakuha ko naman ang attention ng mga kaklase ko. Ngumiti agad ako. Pagtingin ko kay Ma'am ay nakaharap na sya sa'kin. Napalunok agad ako. Nakataas na yung kilay nya at masungit akong tinignan.
Ahem!
"I'm sorry Ma'am if I'm late.." usal ko habang nakatingin sa kanya. Mas lalong tumaas yong kilay nya at inilagay sa mesa ang choke na hawak nya. Nagsusulat kase sya kanina.
"And what's the reason why you are late, Mr. Carbungco!?" Seryuso nyang tanong at saka bumalinhawak.
"I-I oversleep..."mahina kong tugon rito at kinagat ang labi.
"That's not a valid reason," usal nya. "Tsk tsk go sit!! Next time, be responsible!!"
Dali-dali agad akong pumunta sa upuan ko. Nakangisi naman agad si Nyx.
"Hehe ano kaseng ginawa mo kagabe at late ka ngayon huh??" Maloko nyang tanong. Sinapak ko agad sya.
Sira-ulo to!.
Pagtingin ko sa isa ko pang katabi ay napakipot agad ako ng bibig. Ayan na naman yung mukha nyang seryuso.
Ang layo-layo talaga ng personality o behavior nya sa dating sya. Kaya naman pala hindi ko sya nakilala.
Yes naalala ko na yong dati. Kunti lang naman dahil ang bata ko pa nun. Di ko na nga magawang maalala yung mukha nya nang bata pa sya kung hindi lang dahil sa mga picture.
Napangiti agad ako ng maalala yung mga picture namin at yung mukha nya. Ang cute cute nya dati, ang sarap e bulsa.
Naalala ko pa dati kapag may nang-aaway sakin lagi syang to the rescue. Syempre chubby sya dati kaya natatakot sa kanya yung ibang mga bata.
Dahil lampa ako at iyakin walang nakikipag kaibigan sakin. Loner ang batang si ako. Di ko na maalala kung kailan ko sya naging friend basta naging kalaro ko nalang sya.
Dun kami palagi sa Village naglalaro dahil may playground dun. Kapag nahahapunan kami sa paglaro ay hinahatid nya ako sa bahay. Ganun sya ka sweet nang bata pa.
"What are you smiling at?" Napabalik agad ako sa ulirat dahil sa tanong nya. Napakagat labi agad ako. Pero di parin maalis ang ngiti sa labi ko.
Di ko namalayan na kanina pa pala ako nakaharap sa kanya habang nakangiti. Baka masabihan pa ako ditong nababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...