Nakatitig lang ako sa kanya habang sya ay hindi natitigil sa kakatawa. Nakasimangot lang ako. Gusto ko syang nakikitang tumatawa pero hindi sa ganito na ako pinagtatawanan nya. Nakakabweset!.
"Stop laughing! Lumabas ka na nga! May gagawin pa akong assignment sa Math!" Irita ko at tumalikod. naglakad ako paputang study table ko at umupo roon. Tatapusin ko nalang itong assignment ko.
Ang feeling nya naman, advance mag-isip! Porket gusto ko sya at gusto nya ako. Kami na agad! Ganun ba yun? Naka automatic. Tsk. Bahala sy sa buhay nya.
Narinig ko ang pagtigil ng tawa nya at ang pagtikhim nya.
"Sorry," sambit nya at nararamdaman kong naglakad sya papunta sakin.
Binuklat ko agad ang lebro ko sa Math at hinanap ang sasagutan. Natataranta pa ako pero hindi ko pinahalata. Naramdaman kong nasa likod ko na sya.
"Then, Lawrence pwede ba kitang maging boyfriend?hmm."paos ang boses nya dahil siguro sa kakatawa kanina.
"I like you a lot, i want you mine,"
Nanginig lang ang kalamnan ko at pinag-initan. Shit! Parang may paro-parong nakawala sa tyan ko. I bit my bottom lip.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasagutin. Ito na yung hinihintay ko. Na e excite ako na kinakabahan. May nararamdaman din akong takot. Takot para sa kanya, sa aming dalawa. Paano kung husgahan kaming dalawa.
"Rence,"tawag nya ulit.
Nag-aalangan akong lumingon sa kanya.
"Uh-uhmm." Hindi ko alam ang sasabihin.
Pumungay ang mga mata nya. Ngumuso sya."ang libro Rence, baka mapunit." At nginuso nya ang desk ko.
Mabilis ko itong tinignan. Nanlaki agad ang mata ko at mabilis na binitiwan ang isang pahina ng libro. Lukot na ito at kunti nalang ay mapupunit na. Shit! Nanginginig ang kamay ko habang hinihipid ko ito para maibalik sa dati. Pagkatapos ay sinara ko na ito at baka makulumos ko na naman.
Inangatan ko sya ng tingin. "Uhm..." Shit! Na ba blangko ako.
Ngumuso sya at ngumiti."you don't have to answer that now,i..i can wait kung kailan ready kana," masuyo nyang sabi.
Kinagat ko ang ibabang labi at tumango at iniwasan sya ng tingin dahil kinakabahan ako.
He can wait. huminga ako ng malalim, pero agad din akong napasinghap ng imuklo sya at naramdam ko ang ulo nya sa gilid ng ulo ko.
"But I'm impatient Weng, i want your answer fast, ayaw kong maghintay ng matagal tsk." Nang-aakit ang boses nya habang sinasabi nya yun. Nakikiliti ako, Pero hindi ako nagpadala kahit nanginginig ay hinarap ko sya at pinandilatan ng mata.
"Fine!" Asik ko.
Tumaas ang kilay nya"anong fine?"
Ngumisi ako."fine, basted ka. Tsk." Umirap ako at tinalikuran at binuklat nalang ang notebook para magsulat.
Kaya nya raw maghintay yun pala hindi. May naghihintay bang pinapadali ang liniligawan.
"What the fuck!" Mura nya."Pinag-isipan mo man lang ba yun!?"pagalit nyang tanong.
Pairap akong lumingon sa kanya."hindi, hindi ko na kailangan pag-isipan yun." Sabay kamot ko sa ilong.
"Tristan Gray Diamos I'm rejecting you, okay, tapos, done, final." Malumanay ang boses ko. "Lumabas kana ng kwarto ko,gagawa ako ng assignment ko." I srugged at iniwasan ang laglag nyang panga.
Napanguso ako at hindi mapigilang mapangiti. Nakakatawa ang itsura nya. I think ito ang una na may nag reject sa kanya. Haha, porket gusto ko sya, sasagutin ko na agad sya! No way, pagkatapos kong umiyak kanina dahil sa pagseselos! Tapos kapatid nya lang pala. Kung ano-ano pa ang naramdaman ko kanina dahil yung babae ang daming alam tungkol sa kanya tapos yun pala kapatid nya. Tuwang-tuwa pa sya na nagseselos ako!. Hindi nya nalang ako deneretso na ate nya yun.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...