"Di ka sasabay Weng??" Takang tanong ni Ate saakin nasa loob na sya ng tricycle."Oo may bibilhin pa ako..mauna kana.." sabi ko sa kanya. Tumango lang sya.
"Tara na manong.." sabi nya sa driver pagkamaya-maya'y umandar na ito.
Tinignan ko agad yung relo ko. 6:50 palang. Aabot pa ako nang Flag ceremony. Minadali ko agad yung lakad ko papunta sa Tindahan.
"Pabili po ng limang Band-Aids..." Sambit ko. Pagka-abot nya ay kinuha ko agad ito at ini-abot ko ang bente. Pagkakuha ko ng sukli ay naghintay na ako ng tricycle sa gilid ng kalye.
Habang naghihintay ay nilagyan ko nang band aid yung finger ko. Namanhid at nagkasugat kasi yung kamay ko kaka kusot nung damit ni Tristan, ang hirap tanggalin nung floor wax. Isang damit lang yon pero parang aabutin pa ako ng isang taon. Buti at naawa si mama sya na yung nagtanggal nang mancha sa damit. Di ko alam kung paano nya natanggal yung floor wax.
"Shezzz..." Inda ko. Namumula yung dalawa kong kamay.
"Kuya paraaa.." tawag ko sa tricycle driver. Pagkahinto nya sa harap ko ay sumakay agad ako. Ilang metro palang umandar ay Himinto ito. May sasakay siguro.
"Hooo hooo.." hinihipan ko yung kamay ko nang may tumabi sakin, umusog agad ako at di na tinignan kung sino. Nakanguso kong hinihipan yung kamay ko, ang hapdi kase.
"What happened to your hand!?." Rinig kong tanong nang katabi ko. Napatingin naman ako sa kanya. Kumunot agad ang noo ko. Dallian High yung uniform nya, pareho kami. Nakaclean cut at naka salamin na bumagay sa kanya. Yung buhok nya ay Black na Black... Ang pogi naman..pero.. pamilyar sakin yung boses nya?
Sino to?
Ngayon ko lang sya nakita... Transferree din siguro toh! Bakit ang FC??. Di ko naman sya kilala, makapagtanong parang barkada lang? Pagtingin ko sa Mukha nya ay nagkatitigan kami. Umiwas agad ako...pero kita ko yung pagtaas nang gilid ng labi nya. nakakakaba naman to titigan.
Pagdating sa School ay nagmadali na ako sa paglakad dahil magpa flag ceremony na.
"Wengggg Good Morning..." Bati sakin ni Nyx. Nasa unahan sya ng pila. Nginitian ko lang sya. Binati rin ako nina Karren.
"Rence." Tawag pansin sakin ni Warren. Tinignan ko lang sya at tinaasan ng dalawang kilay. Di nya suot yung salamin nya at bagong gupit rin sya tulad ng iba naming kaklase. Pagkalapit nya ay yung buhok ko agad yung pinagdeskitahan. "Bakit di ka nagpagupit??" Nakangiti nyang tanong habang sinusuklay-suklay yung buhok ko gamit ang kamay nya.
"Nakalimutan ko!."nakanguso kong sagot. "Pero pangit ba sakin pagmahaba?." Tanong ko sa kanya at sinuklay suklay ang buhok. Napatigil naman sya at seryuso akong tinignan sa mata.
"No. Mas bagay nga ang ganito... It's suit's you.. i like it when i can brush your hair with my fingers..." Seryuso nyang sabi. Napangiti agad ako at kinurot sya sa pisngi.
"Sus.. gusto mo lang talagang mayroong palaging pagti-tripan..." Nakangisi kong sabi at binitawan ang pisngi nya. Namula agad yun. Ngumuso naman sya, at sya naman yung kumurot sa dalawa kong pisngi.
Napa-aray agad ako at hinawakan yung kamay nya sa pisngi ko. "Arayyy.. bitaw naa.." pagalit kong sabi. Napatigil agad sya at kumunot ang noo saka hinawakan ang kamay kong may Band aid.
"Anong nangyari dito.." puna nya sa kamay ko. Binawi ko agad ito.
"Sa paglaba ko yan..." Sagot ko At tinignan ang kamay.
"Nilagyan mo na ba yan ng ointment??" Tanong nya. Umiling agad ako.
ang tanga ko.. bat di ko naisip yung ointment..mamaya nalang ako bibili
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...