"Hay nakakapagod haha!.."natatawang wika ni Nyx. Nasa tabing kalsada kami nakaupo, nagpapahinga habang nakaharap sa dagat. Katabi nya si Calis at naghaharutan ang dalawa.
Ngayon ko lang na realize na hindi na nag-aaway ang dalawa kundi naghaharutan pa...
"Tama na sabi..."bulong na sabi ni Nyx kay Calis.
Parang hindi naman yun bulong! Rinig ko eh.
"What?I'm not doing anything.."natatawang bulong din ni Calis.
"Anong wala?..yung kamay mo oh..."
Napangiwi lang ako at hindi na sila tinuunan ng pansin.
Pinagmasdan ko nalang ang mga nag babangka sa dagat. Nagbabatak sila ng lambat. Ang ibang Bangka ay pabalik na sa baybay, dahil siguro hapon na.
Nag-aagaw ang kulay asul at kahel sa kalangitan. Pababa na ang araw.
Napabuntong hininga ang katabi ko kaya di ko namalayang napatingin ako sa kanya. Agad nya naman din akong tinignan sa mata. Tumaas ang isang kilay nya.
Kahit na ang dilim ng mga mata nya ay kita ko parin kung paano nagre-reflect ang kulay ng kalangitan sa mga mata nya. Para akong nasisilaw pero ayokong alisin ang mga mata kong nakatitig rito. Mga mata nyang parang tubig na nanlulunod. Yung tipong mawawala ka sa sarili kapag natitigan mo na yung mga mata nya at ang pupukaw nalang sayo ay ang malakas na tibok ng puso mo...
Binaba ko agad ang mga mata ko at tinignan ang mga kamay na naglalaro...suminghap ako bago
Kinagat ang ibabang labi.Tumagal pala ang pagtitig ko sa kanya..
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin mamaya.
Ano? Magsosorry sya dahil hinalikan nya ako? Ibig sabihin nun! Naalala nya pala tapos ngayon nya lang naisipang pag-usapan namin.
Pagkatapos naming tumambay don ay bumalik na kami dahil medyo madilim na. Si Nyx ay nag e-skate, kaming tatlong lalaki naman ay naglalakad lang bitbit ang skateboard.
"Bye Weng!!" Paalam ni Nyx. Nasa loob na sya ng tricycle.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.Ngumuso naman sya pero ngumiti rin.
Pumasok naman agad si Calis sa loob kaya natakpan si Nyx.
Pinagmasdan ko lang ang pag-alis ng Tricycle, nang nawala na ito sa paningin ko ay bumuntong hininga ako.
Pagtingin ko sa harap ay agad kaming nagkatinginan ni Tristan.
Seryoso ang mukha nya habang nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa skateboard nya. Nakatitig saakin.
Tinalikuran ko agad sya at nauna ng maglakad. Nasa harapan kase kami ng tindahan nina Mikay. Bumili ng inumin kanina.
Naramdaman ko naman syang sumunod sa likod ko. Nakayuko lang ako at kinakabahan.
Parang ayaw ko nalang makipag-usap...
"Rence.." mahinang tawag nya sakin.
Medyo napatigil ako pero ipinagpatuloy ko parin ang pag-lakad, hindi sya pinapansin. Tinawag nya ulit ang pangalan ko kaya mas binilisan ko ang paglakad...
"LAWRENCE!"pagalit nyang sigaw kaya nabigla ako at medyo nakaramdam ng takot.
"Mag-uusap tayong dalawa!.." mariin nyang sabi at hinigit ako sa kamay.
Pumiglas naman ako pero dahil sa diin ng pagkakahawak nya sa kamay ko ay di ko maalis.
"Bitawan mo ko!.." pasigaw kong sabi at sinamaan sya ng tingin kahit nakatalikod sya.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...