***
"Manong dito na ako." Itinigil nya naman ako sa harap ng School supply.
Pagkapasok ko sa loob ay tinanong ko agad ang saleslady kung nasaan ang mga Cartolina. Gagawa kasi kami ng report sa A.P para sa lunes. Bumili na rin ako ng Marker, tatlo na yung binili ko para di kapusin...Pinag-ambagan naman namin ito ng mga ka grupo ko kaya okay lang. Pagkalabas ko ay nabasa ko ang pharmacy sa harapan ko. Napakagat labi ako nang may maalala. Tinignan ko yung oras sa relo ko. Alas syete palang. Tumawid agad ako at bumili.
Pagdating ko sa room ay naroon na si Ma'am Agoncillo. Di nya ako napansing pumasok dahil nagsusulat sya sa board.
"Okay class!!.."
napa-upo agad ako sa harap ni Izhar. Agad naman syang napatingin sakin dahil sa bigla. Nginitian ko lang sya. Napatingin naman ako sa katabi nya na nakakunot ang Noo habang naka tingin sakin. Nginitian ko rin sya pero inignora lang ako at nakinig kay Ma'am agoncillo na nagle-lecture. Naghinayhinay naman ako sa paglakad ng naka-upo. Napatingin agad sya sa baba nang nasa harap na nya ako. Nag peace sign agad ako. Baka isumbong ako nito. Kinuha ko na yung bag ko sa likod at dahan dahan inilagay sa upuan ko. Di pa ako pwedeng tumayo dahil nasa harapan pa ang tingin ni Ma'am. Napatingin agad ako kay Nyx ng sipain nya ako sa binti. Nakangisi. Inirapan ko lang sya.
Pagsilip ko sa unahan ay agad akong umupo sa upuan nang makitang nakatalikod si Ma'am.
Kinuha ko agad ang Notebook at ballpen sa loob ng bag ko at nagkunwaring nagsusulat.
"Tsk." Napalingon agad ako sa kanya. Nakatingin din sya sakin at umiling-iling na parang disappointed sa ginawa ko. Nginusuan ko lang sya. Tinaasan nya lang ako ng kilay at nakinig na kay Ma'am.
***
"Tara Pre..." Rinig kong anyaya ni Calis kay Tristan na nakaob-ob sa desk nya. Tinapik nya pa ito sa likod. Napansin kong napa igik sya. "You ok??" Worried na tanong ni Calis napansin din siguro.
"Yeah. I'm ok..." Saka bumangon sa pagkakao-ob at sinuklay ang buhok palikod. "Kayo nalang mag recess wala akong gana eh..." Tanggi nya kay Calis. Tinanguan agad sya ng isa at umalis kasama sina Kurt at Gid.
"Weng tara na!!..". Napabaling ako kay Nyx na nakatayo na at hinihintay akong tumayo. Nakita kong hinihintay na rin ako nina Karren.
" Kayo nalang... Gagawa pa kasi ako ng assignment sa Science eh!" Wika ko. Napakunot agad ng noo si Nyx.
"Huh?? Akala ko tapos mo na yun ka gabe! Tinanong kita sa chat diba... Sabi mo OO!!" Taka nyang sabi. Shit!!
" Ano... Ano kasi e chi-check ko pa sya... Baka ano... Baka mayroon akong maling sagot. Diba?!!" Paliwanag ko sa kanila sabay ngiti at tango tango. Nagkatinginan naman sila na parang confuse sakin. Nagkibit balikat lang si Karren. Pagka-alis nila ay napahinga ako ng malalim at tinignan ang katabi ko.
Napatalon agad ako sa kaba dahil ang lapit nang mukha nya at nakatitig pa sakin. Kung may sakit pa ako sa puso baka next week e lilibing na ako. Napataas agad sya ng kilay sa reaktyon ko. Sino ba naman ang di kakabahan sa postora nya. Nakatungkod ang siko nya sa gilid ng upuan ko at nakatagilid yung ulo papunta sa'kin.
"Tskk.." asik nya at inayos ang pag upo. Napansin ko naman yung pag che-chest out nya na parang ene exercise nya yung likod nya.
Mga lima lang kaming nasa loob, karamihan kasi ay nasa labas nag re-recess. Ang natira naman dito ay busy sa pag review para sa mamayang hapong summative test, byernes kasi ngayon. Grabe diba! kaka simula palang may summative agad.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
Roman d'amourBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...