Hindi na ako sumabad at hinayaan nalang sya sa ka feelingan nya dahil totoo naman yun.
Napailing lang ako. Narinig ko naman ang mahina nyang tawa.
Pagdating namin sa Canteen ay maraming bumibili. Nakita ko naman agad sina Nyx, nandun ang ibang kaklase naming lalaki. Dumeretso agad kami sa mesa nila. Tumingin agad sila sakin bago sa taong nasa likod ko. Nakita ko agad kung paano ngumisi si Calis at mapa-iling.
"Ang tagal mo Weng, naubos na yung cassava cake!" Inporma ni Nyx habang kumakain sya ng Cassava.
Tinignan ko ang counter ng canteen, wala na ngang cassava. Tumango lang ako kay Nyx at tumalikod para pumila. Nakasunod parin si Tristan. Syempre bibili sya ng pagkain nya.
Spaghetti at C2 ang binili ko. Hindi ko alam kung hihintayin ko paba si Tristan pero tumigil ako at tinignan sya.
Tinignan nya ako habang bumibili sya. Alanganin ko syang tinignan.
"Maupo kana roon," utos nya. Tumango lang ako at bumalik na sa mesa kung nasaan sina Nyx. Umupo agad ako sa Tabi ni Nyx.
Nakangisi lang si Nyx, parang inaasar ako.
"Ayeei.." panunukso nya. Pinandilatan ko agad sya kaya tumahimik.
Sumunod naman agad si Tristan at umupo sa tabi ko. Pwede naman dun sa tabi ni Calis pero mas pinili nya dito sa tabi ko.
Spaghetti at dalawang burger na itlog ang palaman na may ketchap ang binili nya at isang bote ng tubig.
Akala ko ba kumain sya kaninang umaga? Ang dami naman ng binili nya, gutom sya?.
Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos nya ang pagkain nya.
Tumaas ang kilay nya, nginitian ako bago inilapag sa harapan ko ang isang burger. Napatitig lang ako dun.
"Ano yan?" At taka syang tinignan. Tumaas ang isang kilay nya.
"Burger?"patanong nyang sagot at tumawa ng marahan. Sinimangutan ko lang sya.
"Para sayo yan, kumain kana." Usal nya at kumagat na sa burger at hindi na ako pinansin.
Napatitig lang ako sa kanya bago umiwas dahil tumingin sya ulit saakin.
Ano ba yan!! Parang lalabas na yung puso ko sa dibdib!! Taena.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Minsan minsan ay linilingon ko sya kaya nahuhuli ko ang titig nya.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng Canteen. Ang kasabay ko na sa paglakad ay si Shaina at Nyx. Nakakapit sila sakin, magkabilaan. Ang ibang kasama namin nasa likod lang, pati Tristan. Kahit nakatalikod ako ay ramdam na ramdam ko ang titig nya.
"Oh? Si Warren yun diba?." Napalingon agad ako sa itinuro ni Christine. Nasa kabilang pasilyo si Warren at may hila-hila lalaki, parang galit ang mukha nya.
"May kaaway si Warren?" Takang tanong ni Nyx. Tinitigan ko lang si Warren. Lumiko sila at nawala na sa paningin namin. Papunta yon sa likod ng School.
"Anong gagawin nun sa Likod?" Tanong din ni Reyann nasa likod na namin sya at nakatingin na rin pala sa tinitignan namin.
"Hayaan nyo na baka may sinuway lang, hindi naman yun makikipag-away si Warren masisira lang ang reputasyon nya sa school."wika ni Shaina.
Tumango nalang kami at dumeretso na sa paglakad.
Pagkatapos ng klase sa umaga ay sabay kaming umuwi ni Tristan. Syempre lagi naman kaming sabay sa tricycle. Iwan ko nga. Nagtataka na ako bat lagi kaming sabay kahit sa umaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/286792548-288-k278477.jpg)
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...