NOONG mga alas singko na ay napag pasyahan na naming umuwi. Sabay yung tatlo dahil pareho lang naman ang dadaanan nila. Kami naman ni Tristan ay naghintay ng Tricycle sa Punong Mangga. Dito lagi ang pwesto namin. Naka yakap lamang ako sa sarili. Hindi ko bitbit ang bag ko dahil nasa kanya, yakap-yakap nya. Kinuha nya yun kanina.
Mabuti nalang nga din dahil ang sakit na ng likod ko dahil sa libro.
Napa-angat ako ng tingin sa kanya ng maramdaman kong hinawakan nya ang ulo ko. Ang taas nya kase. Hanggang leeg nya lang ako.
"Hmm?."
Ngumiti sya at binabaan ako ng tingin."May dahon," mahinang usal nya.
Napakurap lang ako dahil ang ganda ng ngiti nya. Para akong nahipnotismo.
Ngumuso sya bago natawa at kinurot ako sa pisngi.
"Cute," usal nya.
Napahawak agad ako sa pisngi kung saan nya kinurot at sinimangutan sya. Natawa lang sya ulit at ilong ko naman ang kinurot nya.
"Argh! Tristan!" Reklamo ko agad at pinalo ang kamay nya.
Tumawa lang sya.
Pagdating ng tricycle ay sumakay agad kami. Tulad ng nangyayari kapag magkasabay kami ay magka holding hands na naman kami. He loves holding my hands. Kahit sa room, hindi nya mapigilang hindi hawakan ang kamay ko. Lagi ko syang sinasaway pero hindi parin nakikinig. Gusto ko din naman pero kinakabahan talaga ako.
"Weng, manonood ka?"
Napa-angat ako ng tingin kay Nyx. Nag-aayos sya ng sapatos nya. Naka short sya, Kaya lantad ang mahaba nyang legs. Naka pony tail na din sya at naka white shirt. Pareho silang dalawa ni Shaina ng ayos. Mag pa-practice kase sila sa Volleyball. Lahat ng grade 10 na kasali sa volleyball.
Magsisimula na kase sa lunes ang laban.
"Cleaners kami ngayon," sagot ko sa tanong ni Nyx. Tumango lang sya at tumayo ng maayos. Hinihintay si Shaina na matapos.
Bumalik nalang ako sa pagsusulat. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na sila na pupunta ng court. Tinanguan ko lang sila.
Bumuntong hininga ako at binalingan ang katabi kong kanina pang nakatitig sakin.
"Hindi ka ba magpa-practice?" Tanong ko kay Tristan na naka tunghay lang sakin habang naka sandal sa upuan nya at nakabukaka ang dalawang hita.
Kasali din kase sya sa basketball. Silang dalawa ni Calis. Ayaw nya raw sumali pero nilista ni Calis ang pangalan nya kaya wala na syang magagawa.
"Bukas nalang, maglilinis tayo."simple nyang sagot.
Nginusuan ko sya.
"Exempted ka naman! Kase player ka."
Ngumuso sya at inilapit ang katawan papunta sakin.
"Ayaw ko. Hindi kita kasama kahapon pag-uwi." Mahina nyang usal at Sumimangot sya. Ang mukha nya ay parang nagtatampo.
Napangiti ako bago napailing."kahapon lang naman yun ah!"
Palusot lang pala ang paglilinis.
"Rence! Simula na tayo para maaga tayong makauwi!."
Pareho kaming napatingin kay Lara na nasa harapan na pala namin. Nakatingin sya sa listahan.
"Nasaan na naman ba tong si Giff?? E aabsent ko sya rito. Ang kapal ng mukha.tsk.tsk. tatlo na ngalang kayong lalaki. Tumakas pa ang isa." Reklamo ng leader namin.
Napatawa lang ako at tumayo na para mag-linis. Tumayo na din si Tristan. Binuhat agad namin ang mga upuan at itinabi dahil nag f-floor wax ang mga girls.
BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...