Chapter 28

12 1 0
                                        

                                                ✿✿✿

"Ano? Si Marco yung Matabang nang-aaway sakin dati??" Gulat kong tanong sa kanya. Nagkwe-kwentuhan kasi kami sa naalala lang naming pangyayari noong bata pa kami.

Naalala ko noon, kaya kami naging magkaibigan dahil ipinagtanggol nya ako sa matabang nangbubully sakin. Nakalimutan ko na nga kung sino yun! Ayun pala si Marco lang. Ang laki naman kase ng pinagbago noon. Kung dati ay subrang taba nun ngayon ay macho na ang katawan.

Nga naman, si Tristan nga hindi ko nakilala, yung mga nanbully pa kaya sakin.

"Yup!" Sagot nya habang nakangisi.

Napatawa ako."the heck! Ang pogi nya na ngayon! Dati ang taba-taba nya pa pero ngayon Macho na," natatawa kong sabi habang inaalala si Marco. Napailing nalang ako. Napatigil din naman ako sa pagtawa dahil sa mukha ni Tristan.

Ang kaninang nakangisi nyang mukha ay biglang sumimangot. Tumaas ang ang dalawang kilay ko sa kanya.

"Bakit?"

Mas lalo syang sumimangot. "Crush mo yun?"

Kumunot agad ang noo ko sa kanya."huh?hindi!!Bat ko naman magiging crush yun!" Takhang tanong ko sa kanya.

"But you praised him!" Maktol nya."ako lang dapat ang Gwapo sa mata mo!" Dagdag nya at hinablot ang isang kamay ko.

Laglag panga lang ako nakatingin sa kanya. Pinaprocess pa ng brain cells ko ang sinabi nya.

"You can't compliment boys other than me! Hindi ko pa nga naririnig dyan sa nakaka-adik mong labi na gwapo ako!" Maktol nya ulit at ngumuso.

Bumuka ang bibig ko pero kinipot ko ulit dahil parang na blangko ata utak ko sa kanya.

Di ko na napigilan ay tumawa na ako nang napakalakas. Nahulog pa ako sa duyan kaya napaluhod ako mabuti nalang at hawak nya ang isang kamay ko kaya hindi ako na ngodngod sa lupa.

"OH MYGHAD..."Natatawa kong usal habang kinukusot ang mata dahil naluha ako sa sobrang tawa.

"Tsk."Rinig kong asik nya.

Pinatayo nya ako at hinila papunta sa harapan nya at sya ang nagpagpag ng tuhod kong may mga buhangin. Natatawa parin ko pero kinagat ko na ang ibabang labi para magpigil. Binabaan ko sya ng tingin. Pinupunasan nya ng panyo nya ang tuhod ko kahit wala na naman yung dumi.

"Sayang ng panyo mo! Ang linis pa naman nyan, bat mo pinunas?"

Ngumuso sya. Pagkatapos nyang ipunas yun ay itinago nya sa bulsa.

Tiningala nya ako at hinila sa bewang gamit ang dalawang kamay at yumakap sa bewang ko.

Napa estatwa agad ako sa ginawa nya at napatitig sa kanya.

Mapungay ang mga mata nyang nakatingala saakin. Ang baba nya ay nasa tiyan ko. Kipot ang mapupula nyang labi. Kahit kailan ay hindi talaga ako magsasawang titigan ang mukha nya. Ang haba ng pilikmata nya at ang tangos ng ilong. Ang kakapal din ng Kilay nya. I consciously trace my hand from his forehead to his nose. Hindi ko manlang namalayan. Hindi naman sya nagreklamo at nakatitig lang sakin kaya ipinagpatuloy ko. I gently brush his brow with my thumb. Napanguso sya kaya napangiti ako. Tinanggal ko ang hinlalaki ko sa kilay nya at binaba ang mga daliri papunta sa isa nyang mata. marahan kong hinimas ang kanyang mahabang pilikmata. Agad naman syang napapikit sa ginawa ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na gusto nya ako. Like? How? Paano? Anong nagustuhan nya sakin?.

Lalaki ako.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Yes," anas ko.

Nangunot naman ang noo nya at dahan-dahang minulat ang mga mata. Lito nya akong tinignan. Nagtatanong ang mukha. Napangiti ako.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon