Chapter 23

23 3 0
                                    

Tahimik lang kami habang naglalakad sa kalsada. Ang dilim na dahil alas Otso na pala, hindi ko manlang namalayan ang oras.Ang bilis tulad ng nangyari saamin kani-kanina lang, di ko pa ma intindihan ng maayos, di pa pumapasok sa isip ko. Di ko mawari.

Mga street lights, buwan at bituin ang tanging ilaw sa daan. May mga sasakyan ding dumaraan pero ang mata ko ay nakatulala lang. Minsan nararamdaman ko ang paghigpit ng paghawak nya sa kamay ko. Nakaholding hands kaming dalawa. Ramdam ko ang pamamawis ng palad ko kahit hindi na naman mainit at panginginig, hindi ko alam kung sa lamig ng gabe o dahil sa kanya.

Napakagat agad ako sa ibabang labi nang nasa tapat na kami ng gate namin. Nag-aalangan akong humarap sa kanya.

"Uh, ahmm." Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Masuyo lamang syang nakatingin sakin habang may kunting ngiti sa labi. Kinagat ko ang ibabang labi at ngumuso sa kanya. Tumaas ang kilay nya.

"Ahm. D-dito na ako.. goodnight..."mahinang usal ko.

Sumeryoso ang mukha nya."yeah, Goodnight too.." paos nyang paalam pero hindi parin binibitawan ang kamay ko. Nakatitig lang sya sakin. Naiilang ako kaya umiiwas ako.

"Uhm..y-yung kamay...ko.."

Yumuko ako at tinignan ang kamay naming magkasiklop parin. Mahigpit ang hawak nya roon na parang ayaw akong bitawan. Kinagat ko ng mariin ang labi dahil sa isipang yun. Ayaw nya akong bitawan shit! Ako din naman. Sana tumigil ang oras na ito.

"Ahemm!"

Napa-iktad agad ako at mabilis na binitawan ang kamay ni Tristan at kinakabahang tinignan ang tumikhim.

"Mahh!." Bulalas ko bigla habang nananlaki ang dalawang mata.

Nasa harapan namin sya at nakapa maewang. Nagtataka ang mukha. May dala pa syang plato. Pinag siklop ko ang dalawang kamay sa likod dahil nanginginig ito.

Shit!! Sana hindi nya nakita! Ngumiti ako kay mama. Tumaas ang kilay nya sakin bago tinignan ang kasama ko.

Tumikhim si Tristan."Good evening Tita," bati ni Tristan sa kanya sabay yuko.

"Oh, Tristan! Kasama mo pala tong si Weng! Magandang gabe rin..gabe na bakit nadito ka pa? At bakit di kayo pumasok?" wika ni mama at tinignan ako."Weng papasukin mo si Tristan!."

"Ahhh.." taranta akong tumingin kay Tristan.

Ngumiti si Tristan kay mama."Ah hindi na po Tita, salamat. Hinatid ko lang po talaga si Rence." Paliwanag nya.

Kinagat ko ang labi ng tinignan ako ni Mama. Tumaas ang dalawang kilay nya at linipat-lipat ang mata samin ni Tristan. Ngumiti ako ng tipid.

"Oh! Ganoon ba." Tumango-tango sya. "Sige papasok na ako," usal nya at nilampasan kami ni Tristan at dumeretso sa gate bago kami tinignan ulit. Seryoso ang mukha." Pumasok ka na rin Weng pagkatapos nyong mag-usap, hinahanap ka ng papa mo." Dagdag nya pumasok sa loob.

Ngumiwi ako at tumango sa kanya.

Tinignan ko si Tristan. Nakatingin na sya sakin.

"Uhm..Sige, salamat sa paghatid." Mahinang sabi ko at medyo umatras na paputang gate.

Ngumuso sya at tumango."pasok na," mahinang utos nya.

Ngumiti ako."uwi na, baka mas lalo kang magabihan.." usal ko.

Tumaas ang kilay nya at kinagat ang ibabang kabi. "Yeah, Uuwi ako pag nasa loob kana." Kaswal nyang sabi." Pasok na," at iminuwestra ang kamay na pumasok na ako sa loob.

Ngumuso ako. Gusto ko pa syang panooring lumakad eh. Pero tumango nalang ako at pumasok na sa gate dahil baka kung mag-insist pa ako ay baka matagalan pa sya. E gabing-gabi na.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon