Hello! Sorry ngayon lang ako naka ud ulit!! Sorry talaga🤧 at may binago din akong name...joyce-Nyx. thank u!
........Papalapit palang kami sa daongan ay napatayo agad ako paharap sa isla.
"Wow ang ganda ng tubig!!" Usal ko agad. Sobrang linaw nito. Kita ko yung mga bato sa ilalim ng tubig pati mga isda.
"Rence!" Napabaling agad ako kay Tristan. Bitbit nya na yung bag ko at kanya. Lumapit agad ako sa kanya at kinuha ang bag, binigay nya naman ito. Nakakahiya naman.
Nauna nang bumaba ang apat, di ko manlang namalayan.
Hinintay ko muna si Tristan na maglakad bago ako sumunod.
Linga naman ako ng linga dahil ang ganda nang tanawin.
"Careful," napatingin agad ako sa kanya. Nakakunot yung noo nya at nakatingin sa paa ko, naghihintay na bumaba ako. Napanguso lang ako at dahan-dahang bumaba. Naghihintay naman sya.
Nasa likod nya lang ako habang naglalakad kami sa tulay papuntang baybay.
Linga lang ako ng linga dahil ang ganda talaga. Nakikita ko yung mga cabin, ang ganda ng design. May nakikita rin akong swimming pool. May mga naliligo roon.
Papalapit palang kami sa pool ay may nagtitili ng babae. Nakatingin sila kay Tristan. Naka pang bikini yung iba. Two-piece lang. Ang iba naman ay may short na sout.
"Omg! Yan ba Ches?? Ang gwapo nga!!!" Rinig kong tili nong babaeng morena habang kinakausap yung katabi nyang babae. Sobrang puti nun. Parang hindi nagbibilad. Nakatitig lang yun kay Tristan. Nakaupo sila sa tabi ng pool habang ang paa ay nasa tubig. Di ko naman malaman kong saan nakatingin si Tristan dahil nasa likod nya ako.
Nakatingin lang ako dun sa babae. Nangunot lang ang noo ko dahil parang kumikislap ang mga mata nya habang nakatitig kay Tristan. Naka kagat labi pa to at parang nang-aakit.
Anong tingin yan? Parang mangangain.
Napataas agad ang kilay nya ng malipat ang mata nya sakin. Napaiwas agad ako ng tingin. Problema nito?.
Tumingin nalang ako sa unahan. Nandun sina Calis kinakausap yong ibang lalaking hindi ko kilala.
"Oi Tris pre!" Bati nong isa at lumapit kay Tristan. Moreno sya at tulad ni Tristan ay malaki rin ang katawan. May malaki itong ngising naka plaster sa mukha, habang papalapit. Ang ibang lalaki ay nakatingin na rin kay Tristan at naka ngisi na rin.
Nag hand shake sila. Nagyakapan at nag akbayan.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanila kung hindi pa ako hinila ni Tristan ay hindi ako aalis dun sa kinatatayuan ko. Napatingin agad ako sa kamay naming magka holding hands. Parang nang-init ata ang mukha ko.
"Long time no see ah!" Bati nong isa sa kanya.
Naglalakad na sila at nag-uusap-usap. Iniitriga si Tristan at nagtatawanan. Ako naman ay hila-hila lang ni Tristan sa kamay. Nakayuko lang ako.
"Kailan ka pa nakabalik galing states??" Tanong nong isang singkit na lalaki parang koreano. At ito rin ang pinakamatangkad sa kanila. Mas matangkad pa sya kay Tristan at ang puti- puti nya rin. Kamukha nya yong babae sa pool. Kapatid nya siguro.
"Last year pa,"maiksing sagot ni Tristan. Tinignan naman sya ng iba na parang di makapaniwala. Pati ako napatingin rin sa kanya kahit nasa likod nya ako.
"At ngayon mo lang naisipang bumisita rito??" Manghang tanong ng isa.
"Tsk." Asik ni Tristan. Ang Suplado naman. Inilingan lang sya ng mga to sa sagot nya. Napatingin naman sakin yung Singkit na parang koreano. Seryoso na yung mukha nya kaya nailang ako. Nangunot naman yung noo nya nang bumaba ang mata nya sa magkahawak naming kamay ni Tristan kaya bigla akong napabitaw sa hawak ni Tristan. Tumaas naman yung tingin nya sa mata ko at lalong nangunot ang noo nya.

BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomansaBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...