Chapter 11

36 4 0
                                    

Pagkaubos nya nun ay tinignan nya ako at nginisihan.

"It's so sweet," puna nya. Dinilaan nya pa yung labi nyang may basa.

Napatanga nga lang ako sa harapan nya. Hindi makapaniwala sa ginawa nyang yun.

Hindi ko maisip na ang isang Tristan Diamos ay aagawan ako ng isang palamig.

Like?? What just happened??

We are not even friends.

Oo dati friend kami! Pero ngayon iba na! Bata pa kami non.

"What???"

Natauhan agad ako sa tanong nya at biglang  napahiwalay sa kanya. Ang mukha nyang nakangisi ay unti-unting nangunot. Napakagat agad ako sa labi ng magsimula na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kinuyom ko ang kamay ko at yinuko ang ulo. I don't want to look at him. I feel like my face is burning.

Napatalon agad ako ng mapansin ang dalawang magkapares na black shoes sa paanan ko. My heart keeps beating faster. Nanginig na rin ang binti ko.

Ayaw ko sa pakiramdam na ito. Nakakatakot.

Napadistansya agad ako sa kanya nang di sya tinitignan at lumakad paunahan nya saka tumingin sa kalsada.

Nasaan na ba ang mga tricycle???

"Hey!-"

"Manong PARAAA.." putol ko sa sasabihin nya at pagkatigil ng Tricycle ay sumakay na ako sa loob.

Pansin ko naman ang bulto nya sa gilid ng tricycle at saka pumasok sa loob. Hindi ko sya tinignan. Nakatingin lang ako sa baba. Kita ko naman sa peripheral vision ko na hawak nya pa ang plastic ng buko juice kanina. Yung straw ay nilalaro laro nya sa finger nya.

Uminit agad ang pakiramdam ko ng maalala ang ginawa nya kanina. Shit.

"Hey, are you uncomfortable with me?!!" Panimula nya.

Hindi ko sya pinansin. I didn't even made a single move.

"Did i- did i surprised you? I'm sorry," Tinig nagsisisi nyang sabi.

Napakagat agad ako sa ibabang labi ng marinig ang sorry nya.

"I'm thirsty... that's why-"

"hindi naman tayo magkaibigan," putol ko sa sasabihin nya. "You can't just do that.. we're not even...clo-se." Dagdag ko. Hindi parin sya tinitignan. Napahina ang boses ko sa huli kong sinabi. Pero meron saking parte na parang nagsisisi sa sinabi.

Pero Totoo naman yun diba?..

Naramdaman ko ang mariing titig nya sakin bago umayos sa pag-upo. He leaned back.

Ang tunog lamang ng tricycle ang naririnig ko.

Pagtigil ng tricycle sa tapat ng bahay namin ay lumabas agad sya at hinintay akong lumabas mula sa loob.

"Manong ito bayad," sabi ko at ibinigay ang bayad. Paglabas ko ay nagtama  agad ang mata naming dalawa kaya umiwas agad ako at diri-deritsong lumakad papasok sa gate namin. Hindi ko na sya liningon.

Papasok na ako sa loob ng bahay ng marinig ko ang pag-andar ng tricycle kaya mabilis ko itong binalingan. Ang huli kong nakita ay ang sapatos nya. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob. Naabutan ko naman sa sala ang dalawa kong kapatid na nanonood ng tv.

Unang nakapansin sa'kin si Andra. Pagkakita nya sakin ay lumiwanag agad ang Mukha nya at ngumiti ng napakalaki. Suspicious.

Hmmm. May kailangan na naman to!.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon