Chapter 18

16 3 0
                                    

Di tuloy ako makatingin sa kanya habang naglalakad kami paputang dagat, dahil kapag tinitignan ko sya ay ngumingisi sya na parang inaasar ako.

Naka rush guard na rin sya, bakat na bakat ang hugis ng katawan. Mas okay na to kesa naman sa wala syang suot diba? Baka pag pyestahan sya ng mga babae. At Baka hindi lang babae. Napanguso lang ako sa naisip.

"Hi Tris!." Masiglang Bati ng isang babae at humalik sa pisngi ni Tristan kaya natigil ako sa paglakad. Ang isa naman wala manlang reaksyon sa ginawa ng babae kundi pinabayaan nya lang.

Ngayon ko lang sya nakita. Naka short shorts sya at naka bra habang may nakapatong sa kanyang likod na cardigan. Medyo Morena sya at parang abot kilikili ko lang sya. May nakapatong ring sunglass sa ulo nya. Pretty girl.

"What do you want Ericka??" Bored na tanong ni Tristan rito.

Sumimangot lang yung babae.

"Hmmmp. Sungit mo talaga!!!" Pairap nitong sabi at nalipat ang mata saakin kaya mabilis syang ngumiti at lumapit saakin.

"Omg, Hello! Ang cute mo naman!!!" Sumigla ulit ang boses nya. "I'm Ericka!! But you can me call Ricka!" Pakilala nya habang may malaking ngisi.

"Ah.. Lawrence!! Rence nalang!" Nahihiya kong sabi.

"Oh? You're shy?cute!!" Napatakip pa sya sa bibig nya. Sya nga tong cute...

"Don't be shy!! Ako lang toh!!" Sabay bungisngis at kumapit sa braso ko kaya nailang ako. Napansin naman yun ni Tristan.

"Tsk. Stop that Ericka!! Doon ka na sa kuya mo manggulo may gagawin kami!!" Naiinis na sabi ni Tristan at hinila ako kaya napabitaw si Ericka sa braso ko.

Sumimangot agad si Ericka at sinamaan ng tingin si Tristan." Hmmp. Damot!!"

Pagtingin nya sakin ay ngumiti agad sya."nice to meet you Rence!!"

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Ang bait nya at ang ganda pa pero itong isa sinusupladahan lang.

"Tsk."

Nang tumalikod na si Ericka ay Napabaling agad ako kay Tristan nang marinig ang asik nya.

"Ba't ginanon mo si Ericka, ang bait nong tao!" Usal ko.

Nangunot agad ang noo nya."you like her?"

Nagtaka naman ako sa tanong nya."Oo, ang bait nya kase at jolly pa." Sagot ko.

"Tsk. She's not kind, she's crazy! Believe me, so don't go crushing over her!"pa asik nyang sabi na parang problimado.

Pinagsasabi nito??. Ako sa babae???. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yun sa kanya at baka kung ano pang isipin nya at panindirihan nya ako kung malaman nyang...

Kinagat ko nalang ang labi ko at ngumiti ng mapait.

Pagdating namin sa dagat ay maraming naliligo at nag susurf. Lumapit muna kami sa may cottage,sa gilid nito ay may nakalagay na mga Surf board.

Napatingin agad ako sa loob ng cottage nandun ang ibang mga kaibigan nila at may mga babae na rin doon. Nandun yung mga nakita kong babae sa pool kanina.

"Tristan!!"tawag nong babaeng Ches ang pangalan ata. Iwan. Katabi nya si Chester na sa amin din ang mata. Magkamukha talaga sila. Hindi manlang sya tinignan ni Tristan.

Napatingin din tuloy ang iba sa amin. Di ko naman sila matignan sa mata dahil naiilang ako.

"Magsusurfing na kayo? Inom muna kayo!!" Masiglang anyaya ni Crus. Namumula na yung pisngi nya. Di ko alam kung sa alak ba o sa init ng araw.

 SAME HEARTBEAT (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon