꒪꒳꒪
"sira-ulo ka talaga Warren, tignan mo nag-iiyak na yung bata!" Natatawa kong singhal sa kanya habang nagtatago kami rito sa malaking machine. Sinapak ko nalang sya. Inagawan ba naman yung bata ng bola para i shoot sa ring pero hindi naman na shoot kaya umiyak yung bata. Mabuti nalang at hindi nakatingin yung magulang.
"Tsk. Isa lang naman yun! Malay ko bang iyakin yun!" Himutok nya pero naka ngisi.
"Sira-ulo ka! Bata yun syempre iiyak yun!"
Sumimangot lang sya at hinila na ako. Naglaro lang kami ng naglaro. Iba-iba. Barilan, car race at kung ano-ano pa na malalaro sa Video games. Tawa lang kami ng tawa.
"Mali ka naman Rence! Hindi marunong sumayaw!" Katyaw nya sakin. Sinimangutan ko lang sya.
"E paano ba laruin to!!" Singhal ko. First time ko kase maglaro nitong games na magsasayaw ka. Kailangan mong gayahin yung nagsasayaw na nasa screen.
"Tss. Doon ka sa tabi and....Watch me!" Nagmamalaki nyang usal at umangat angat pa yung dalawang kilay nya. Inilingan ko sya at tinawanan. Tumabi naman agad ako at krinus ang dalawang kamay at pinanood sya habang nag-sasayaw. Swabe nya namang nasusunod yung sayaw. Ang lambot pala ng katawan nya. Hindi mo akalaing ang puro lang pag-aaral ang alam ay marunong din pala ng ganito. Napailing lang ako dahil ang saya-saya nya.
"Napagod ako dun ah!" Hingal nya.
Ngumuso lang ako at napa-iling sa kanya. Ikaw ba naman ilang beses ulit-ulitin yung sayaw.
Hinila ko agad sya sa may Claw machine nang makita ko ito.
"May token ka pa Rence?" Tumango lang ako sa kanya at tinignan ang nasa loob ng machine. Mga cute na toys ang nandoon. Maganda to para sa keychain, nag ning ning agad ang mata ko ng makita ang mukha ni Stitch.
Bagsak ang balikat ko ng maubos ko na lahat ang token ko pero wala pa rin akong nakukuha kahit isa. Tinatawanan naman akong ni Warren na nasa gilid ko.
"Tama na yan Rence! Wala ka namang makukuha dyan, Badluck ka ata!" Tawa nya.
Sinamaan ko agad sya ng tingin."ikaw siguro yung bad luck ko!" Singhal ko."doon ka nga wag kang tumabi sakin."asik ko pero nanlaki agad ang mata ko ng makitang may hawak syang cellphone at nakatapat sakin. Lalong lumakas ang tawa nya ng makita ang itsura ko.
Hinampas ko agad sya."tumigil ka na nga sa kaka Video!!!"
"Aray! Aray, ito na ito na! Papatayin na!" Daing nya dahil pinaghahampas ko sa likod pero tawa lang ng tawa ang mukong.
"Bweset ka! Bweset ka! " Inis na inis kong singhal sa kanya. Kaasar!
Agad akong naglakad habang nagdadabog dahil inis. Bweset! Ang daya ng machine na yun! Ang sarap sirain. Sampung token na yun pero ni isa wala akong nakuha. Bad trip.
"Hey! Hey!. Lawrence, Wait lang..." Habol ni Warren at agad na umakbay sakin.
"Tsk. Mag milktea nalang tayo! Tara.." aya nya. Nakabusangot lang ako sa tabi nya.
Agad din namang nawala ang sama ng loob ko nang mag-ikot ikot ulit kami at kumain sa mga stall. Nung napagod kami ay lumabas na kami ng Mall para umuwi, bitbit nya na yung pinamili sya. Ako din ay may binili,damit.
"Alas singko na agad, ang bilis ng oras..." Usal ni Warren habang nakasakay kami sa jeep.
Napa ngiti lang ako.
"Ganoon talaga. Ang sabi nga ng iba. Kapag masaya ka ang bilis ng oras, pero kapag malungkot ka bumabagal ang takbo ng oras."
Napanguso lang sya."nag enjoy ka?" Nangingiti nyang tanong.

BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...