***
"Ugh" inda nya. Napaupo agad sya. Pagtingin nya pataas ay kita ko ang sakit sa mukha nya pero nag seryuso agad.Napakagat labi nalang ako nang sinamaan nya ako ng tingin, as in sobrang sama. Kasalan to ni Four eyes eh. Tinulungan naman sya ni Calis para tumayo, nabigla rin sa biglang pagtulak ko. Buti nalang at hindi natama yung ulo nya sa semento.
"F*ck shit," mura nya pagkatayo.
Pagbangon nya ay kunot na kunot yung noo nya at pinapagpagan nya yung tshirt nyang kulay puti. Inayos nya pa yung upuan na natabingi sa line dahil sa pagkatumba nya at tumalikod. Kita ko naman yung dumi at kulay red na floor wax sa likod ng damit nya. Patay. Sumunod naman sa kanya si Calis na nginisihan muna ako. Kinunutan ko naman sya ng noo. Lalapitan ko na sana sya nang pumasok yung teacher.
"Class set down," utos nya pagkalapag ng mga librong dala nya. Bumalik nalang ako sa upuan. Mamaya nalang ako magsosorry. Kagat kagat ko parin yung labi ko. Guilty sa ginawa.
"Ano yun???," Tanong ni Angel sakin. Tinignan ko naman sila isa- isa. Curious sa sagot ko. Nakita siguro nila kanina yung ginawa ko.
"Aissh si Warren kasi... Bwesit," inis kong sabi sa kanila.
"Huh?? Bat si Tris yung tinulak mo??," Takang tanong ni shaina. Ngumuso lang ako at nagkamot sa ulo.
"Akala ko kasi si Warren yung nasa harapan ko, kaya ayun..." Napanguso ako lalo.
Tinignan ko naman si Warren na nasa harapan tama namang humarap sya sa likod. Nakangisi na sya pagtama palang ng mata namin. Bwisit. Pinakita ko naman yung kamao ko. Lumaki lang yung ngisi nya. Inirapan ko nalang.
"Rence mag sorry ka ok," seryusong saad ni Karren. Sa aming magkakaibigan sya yung palaging seryuso. Sya yung palaging kadibate ni Warren sa sagutan.
Tumango lang ako sa kanya.
"Tara na Weng," si Nyx at iginiya ako palabas ng room. Nauna nang lumabas sina Shaina at at Reyann may pupuntahan pa raw sila. Naiwan naman sila Angel at Christine kasama si Karren. Nagbabaon kasi sila dahil malalayo yung bahay nila.
"Bilisan mo nga maglakad..." Habang hila hila ako sa braso.
"Ano ba, Nagmamadali? May hinahabol? Di mo na ba mapigilan??" Sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil sa irita.
"Tsss. Bilisan mo nalang.. diba magsosorry ka?," Sarkastiko nyang tanong. Nasa labas na kami nang gate. Nginiwian ko lang sya. Oo nga pala... Nasan na pala yung taong yun.
Nagpabaling- baling naman ako nang tingin sa mga studyanteng nagsisilabasan sa gate pero di ko sya makita.
"Asan na ba yun??" Usal ko. May bigla namang humawak sa Panga ko at tinabingi ito paharap sa may punong mangga.
"Andun sya!!" Matigas na sabi ni Nyx at binitawan ang panga ko. "Cge na, puntahan mo, GL.. byebye"(Good Luck). Nakangisi nyang paalam.
Napakagat nalang ako sa labi. Anong bang sasabihin ko??.. magsosorry lang naman ako diba? Pano kung di nya tanggapin!!. Aishh basta nag sorry ako, nasa kanya na yun kung tatanggapin nya o hindi.
Napatakbo ako ng may tumigil na tricycle sa harapan nya.
"MANONG! Manong waittt..." Taas taas ko payung kamay ko para hindi umandar yung tricycle.
"Pumasok kana," usal ng driver.
Hingal pa ako nang pumasok ako sa loob di na pinansin yung tao sa loob.
"Huh" ang init... Pinunasan ko nalang yung noo ko. Nakarinig naman ako ng pagtikhim kaya binalingan ko sya. Napausog agad ako sa upuan dahil dikit na dikit pala kaming dalawa at ipit na sya dahil sa bag ko, tinanggal ko ito at nilagay sa kandungan ko.

BINABASA MO ANG
SAME HEARTBEAT (BxB)
RomanceBoys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what they felt to each other, so they keep it to there deepest heart, In that way they won't have a judgeme...