Kabanata 6

16.8K 616 52
                                    

Kabanata 6

TATLONG ARAW matapos bumuti ang pakiramdam ni Linus ay nagkayayaan ang MCB na magkaroon ng welcome party para sa mga bagong myembro. He isn't technically a member and he doesn't plan to be one since his goal in life is to have a family, but the members insisted that he should join on behalf of Linel.

Nagtipon-tipon sila sa may rancho kung saan nag-set up ng bonfire, ilang speakers, at mga upuan. Halos naroon ang lahat ng myembro at ang mga bago, nagkakasiyahan dahil sa pakulo ng founding members.

Nang dumating si Linus sa lugar kasama si Sandro, naupo siya sa tabing upuan ng kaibigan. He noticed Ivler sitting across, glancing at him and Sandro through the dancing fire. Matipid lang itong ngumisi at tinango ang ulo na tila simpleng bumati.

Kahit paano naman ay tumino na ang pakikisama nila sa isa't isa dahil sa pakikipag-usap sa kanila ng founding members at marahil, dala na rin ng sinseridad nitong tumulong sa kanya nang pagtripan siya ng grupo ni Iggy.

"Beer, Linus," alok ni Apollo sa kanya.

He jerked his head. "Sige, bro."

"Ako na, pre. Kukuha rin ako ng akin," prisinta ni Sandro na saktong lalapit sa cooler. Nang bumalik si Sandro sa upuan at binigay sa kanya ang kanyang beer, tinanggap niya ang bote saka nakipag-cheers sa kaibigan.

"Thanks, man," he said before he sipped his beer.

Nang mapagawing muli ang tingin niya sa direksyon ni Ivler, simple nitong tinaas ang bote nito na tila nakikipag-toast sa ere habang walang ekspresyon ang mukha gaya ng nakasanayan na niya sa mga nagdaang araw.

Linus smirked and lifted his beer before he sipped some, his eyes remained staring back at Ivler's blue pools. Kung bakit nanatili silang nakatingin sa isa't isa ay hindi niya rin alam. Naputol lamang ang titig nang kausapin ito ng isa sa mga kasamahan sa MCB habang siya naman ay siniko ni Sandro upang agawin ang kanyang atensyon.

"Bro, tignan mo. Oh la la, look at that!" Tumawa ito at mayamaya ay sumipol nang makita ang mga babaeng patungo sa kanila. Inakbayan pa siya ng loko at niyugyog ang kanyang balikat. "See? That's what you'll keep on missing if you ain't gonna sign up!"

Ngumisi na lamang siya at umiling-iling. Talagang hindi susuko ang loko hangga't hindi siya nakukumbinsing maging bahagi ng brotherhood.

Naghiyawan ang mga myembro habang tatawa-tawa lang na nanood si Armani Reino De Alba na kapag binubuyo ng mga kasamahan ay kaagad umiiling saka ipakikita ang wedding ring nito.

"Naposasan na!" sagot nito sa mga kasamahan na agad na nagsitawanan at kumantyaw pang palayasin na ito ng Monte Costa.

"He's married?" tanong ni Linus kay Sandro.

Tinignan nito ang direksyong tinignan niya saka ito tumango. "Yeah, got married four years ago but I heard his wife doesn't know him yet."

Napakunot ng noo si Linus. "Is that possible?"

Umismid ito. "Malay ko." Sumenyas ito sa dalawang babae at pinapunta sa kanila.

Linus shook his head, wanting to refuse but the girl was persistent and immediately sat on his lap. Kaysa mapahiya ang babae ay hinayaan na lamang niya saka siya nakisali sa masayang kantyawan ng mga myembro.

They laughed when the guys danced with the hired dancers. Game na game ang puro single na myembro lalo na sina Colden, Zaire, Gui, at Yvez. Even Sandro stood up and danced with the girl he picked before they cheered for the new members.

"Uy, gago sinong humipo ng pwet ko?" reklamo ni Colden kunwari.

"Bobo, nasaan ang pwet diyan? Puro pelvic bone na lang 'yang meron sayo," sagot ni Gui na nakapagpalutong ng kanilang mga tawa.

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon