Kabanata 43

14.2K 515 143
                                    

Kabanata 43

KUNG HINDI lang talaga in-escort-an ng ilang MI6 Europe agents si Linus mang dumating siya sa London para kunin ang ilang mahalagang impormasyong siya lamang ang nakakaalam, hindi sana siya makakapagsayang ng isang linggo.

He had a hard time remembering all of it so they had to resort to a series of hacking and familiarity test with Vision and some other agents who did field works like him and his twin.

Ang sabi ay ang mismong grupo na sinubukan nilang patumbahin noon sa Afghanistan ang nagbabalak mambomba sa mismong araw ng final game kung saan lalahok si Ivler bilang manlalaro. He was torn between pursuing Ivler and helping out the MI6 team on preventing the planned bombing of the terrorist group.

Ngayon lamang siya nakapuslit at nagkaroon ng pagkakataon na puntahan si Ivler kaya nang makita niya ang tracker na nakakonekta sa phone nito, sumunod siya rito hanggang sa makita niyang nagtungo ito sa isang sports bar.

Linus followed inside and settled on the far end of the place to watch his big baby talk with someone who looks really fucking interested with him.

Pinanood niya ang mga ito ngunit tuwing pasimpleng kino-compliment ng lalakeng nagngangalang Mason si Ivler kapag nakakakuha ng pagkakataon, nayayamot siya at natutungga ang bote ng alak na hindi naman sana niya balak order-in.

Nakakapikon! Look at those perfect set of pearl-white teeth? Why is Ivler showing it off? Napatungga tuloy siyang muli ng beer saka nagmaktol sa kanyang isip.

You can't possibly be interested with that half German and obviously half shepherd dude? He's bigger than me but I'm hotter. Come on, love. Standards! He sighed and rubbed his palm on his face. God, he feels so gay for thinking that way...

Napahinto siya nang mapagtanto ang naisip. Mayamaya ay tila siraulo siyang umismid at umiling-iling. Hindi na nga pala ako straight. Nabakla na nga pala ako sa Beckham na 'to.

Muli na lamang siyang bumuntonghininga. Nang dumaan ang barista na nagbanyo, tinawag ito sandali ni Linus upang kunwari ay magtanong. Mayamaya ay tinapik niya ito sa balikat upang ikabit ang maliit na mouthpiece saka siya ngumisi. "Thanks, man."

Nang makabalik ito sa loob ng bar area ay sinuot kaagad ni Linus ang earpiece upang mapakinggan ang usapan ni Mason at Ivler, ngunit nang marinig ang sinabi ni Mason, pakiramdam niya ay kumulo bigla ang dugo niya.

Punyeta, masyado kang mabilis, brad...

His teeth gritted as he darted his eyes at the two while jugging his poor beer. Mayamaya ay napabaling ng tingin sa kanya si Ivler, halatang nagulat na naroroon siya.

Tatayo na sana siya at lalapit sa mga ito nang may malaglag na mga plato sa hindi kalayuan. Mayamaya ay bigla siyang hinablot ng pamilyar na bulto at kinaladkad palabas ng lugar.

"What the hell are you doing here, Linus? Didn't I tell you earlier that we gotta keep an eye on the capo? Magkikita sila ng representative ng terrorist group sa isang club," ani Sandro sa kanya nang makasakay sila sa kotse nito.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I'm still not fit to work. I'm just volunteering because I'm the only one who knows about the important infos the bosses need. Ikaw ang inutusan magmatyag bakit nadamay ako?"

"Tanga kasali ka na ngayon. Alangan namang hahayaan mo kong mag-isang mag-inom doon? Paano kung may umakit sa aking babae? Sino ang magsasalba sa akin sa temptasyon?"

Frustrated na nahilamos ni Linus ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Are you fucking sure that you've gone through proper exams and trainings before they promoted you as an agent?" Iniling niya ang kanyang ulo at akmang lalabas na nang makita si Ivler na umalis kasama si Mason. Nahablot niya tuloy ang buhok ni Sandro at niyugyog ang ulo nito. "Follow them."

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon