Kabanata 17

15K 532 166
                                    

Kabanata 17

HINDI alam ni Ivler kung papaanong nalaman ni Micah ang tungkol sa relasyon nila ni Linus, pero sa totoo lang ay hindi siya nababahala na baka isiwalat nito sa publiko ang tungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon dahil alam niyang kaya niya iyong gawaan ng paraan sa tulong ng MCB, ngunit ang hindi niya nagustuhan ay ang pinupunto ng mensahe nitong ipinadala sa kanya sa IG.

"He's confuse, and although I encouraged him to follow his heart, I didn't expect things to be this way. Na ikaw pala na isa ring lalake ang ipapalit niya sa akin. To be honest, I am disgusted. Not with Linus but with you. Ang taas ng tingin ko sayo, pero ano'ng ginawa mo? You took advantage of his vulnerability. May kahinaan si Linus magmula pa noon. Ni hindi nga mapagtanggol ang sarili. He probably thought he's into you because you helped him when Iggy and his friends tried to beat him up. Kilala kang playboy, Ivler, pero sana naman may kunsensya ka pa rin. Spare him. Hindi ko lang ex-boyfriend si Linus. He's also my best friend and I don't want him to get toyed by some dude who's obviously just bored. Huwag kang mag-alala poprotektahan ko rin ang pangalan ni Linus kaya hinding-hindi ito makakarating sa mga tao, pero sana ayusin mo na ang sitwasyon bago pa masaktan si Linus. Don't play with his fragile heart. Ang dami namang iba diyan. Don't act gay just to trip on him. Ako na ang nagmamakaawa sayo kahit diring-diri ako sayo. After all, I am confident that Linus is straight. He'll surely come back to his senses again someday. Hahanap at hahanap pa rin iyan ng babae kung sakali mang hindi ka titigil. Babalik at babalik pa rin siya sa'kin at hihintayin ko 'yon."

Muntik niya nang maihagis ang phone niya sa totoo lang kung hindi niya lang naisip na baka mag-alala si Linus. Napatingin tuloy siya rito. Nakadapa ito sa kanyang kama at masarap ang tulog, ang mukha ay napakapayapa kung titignan.

His heart suddenly throbbed with a mix of happiness to be with Linus, and worry because of Micah's words.

Paano kung mangyari nga? What if Linus is just confused? Kung sakaling bigla na lang ito magising isang araw at mapagtantong babae pa rin ang gusto nitong makarelasyon, will Ivler be able to handle that?

Hindi niya alam. A part of him couldn't help but worry. Ngayon lamang siya nakaramdam nang ganito katinding pagmamahal para sa isang tao kaya hindi niya maiwasang matakot na baka magkatotoo ang sinabi ni Micah. He knows she just said those words because she's worried and is still in love with Linus, but a part of him wanted to be angry, too.

Bakit ba may mga taong tulad nito na hindi na lang maging masaya para sa mga tulad nila ni Linus? Mahirap ba talagang tanggaping posibleng magkagusto ang parehong lalake sa isa't isa?

Nahilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha saka nilapag na lang ang kanyang phone sa lamp table. Maingat siyang bumalik sa tabi ni Linus at dinampian ito ng marahang halik sa balikat saka siya malalim na humugot ng hininga.

He's never going to be ready to lose this. Marami siyang bagay na hindi kayang ibigay kay Linus gaya ng sariling anak ngunit pinapangako niya na pupunan niya kung anuman ang kulang huwag lang siyang iwan dahil baka hindi niya matanggap.

Hinding-hindi niya matatanggap...

Napalunok siya at ang dibdib ay tuluyan nang sumikip kaya mariin niyang nailapat ang kanyang mga labi sa isa't isa.

Linus is his first boyfriend, and he knows he's going to be the last, too. Dahil kung dumating man ang araw na kinakatakutan niya, alam niya sa kanyang sariling hindi na siya magmamahal muli ng iba na hindi niya hahanapin si Linus sa mga ito.


LINUS woke up with the gentle kisses on his upper back and shoulder. Mahapdi pa ang kanyang mga mata ngunit nang masilip na gising na si Ivler ay tumihaya siya't hinapit ito upang yakapin.

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon