Kabanata 37
KANINA pa napapansin ni Ivler na tahimik si Linus magmula nang makaalis sila sa clubhouse. Kapag kinakausap niya ito ay tatango lang o kaya ay matipid na sasagot na parang napakalalim ng iniisip.
Ayaw naman niya itong kulitin dahil baka maasar sa kanya at hindi na ituloy ang plano nilang mangisda. He doesn't want that to happen. He missed him so much and now that they are somehow improving, Ivler wanted to make sure he gets the best of their time together until it lasts. Dahil oras na makaisip na namang bumalik si Micah, alam niyang makikimudmod na naman siya ng atensyon na dapat naman ay kanya.
The moment they got to the speedboat, Linus' brows slightly furrowed. Nag-alala siya rito nang mapansing natigilan ito na tila mayroong naaalala kaya nang muntikang matumba, kaagad niya itong hinawakan sa siko at inalalayan.
"Are you okay? Kung masama ang pakiramdam mo babalik na lang tayo sa cabin. Magpahinga ka na lang," alok niya. Kahit na gusto niyang mag-bonding sila, hinding-hindi ilalagay ni Ivler ang kalagayan nito sa kapahamakan.
"No, I'm good." Naupo ito at humugot ng malalim na hininga. "Medyo nahilo lang pero ayos lang ako."
Mahina na lamang na tumango si Ivler saka niya binuhay ang makina ng speedboat. "Pero kapag hindi maganda ang pakiramdam mo, just tell me and we'll go back to the cabin immediately. I don't want you getting hurt."
Napatitig ito sa kanya habang mapungay ang mga mata. Nang tila may nais sabihin ngunit hindi rin itinuloy, nalunok na lamang ni Ivler ang kanyang laway saka na pinatakbo ang speedboat.
Nang makalayo sila sa pampang, inayos niya ang pamingwit at ikinabit sa holder saka niya binuksan ang alak. It felt nostalgic and painful at the same time. Ngayon niya mas napagtatanto kung gaano na siyang nangungulila sa dating Linus na unang umamin sa kanya ng nararamdaman nito, sa mismong speedboat kung nasaan sila ngayon.
He misses them so much. Their sweetness, their carefree conversations, the cuddles and kisses, he misses it all, but he knows he needs to be patient with Linus.
"Pwede ba akong magtanong sayo, Ivler?"
Napatingin siya rito saka mahinang tumango. "Oo naman. What is it?"
Humugot ito sandali ng hininga saka kinuha mula sa kanya ang bote ng alak. "Why did you choose your lover over your career and family? Nakita ko sa ilang article kung gaano ka kakilala sa sports world. You have several sportswear endorsement as well at kilala ang pamilya ninyo dahil sikat na vlogger ang mommy mo bago nag-hands on sa Blue Bayou. I heard your dad is an amazing father, too and you guys seem pretty close so why give it all up for someone you can replace?"
Kumirot ang kanyang puso dahil sa huling mga salitang binitiwan nito. Mayamaya ay basag niya itong nginitian saka niya isinandal ang ulo nita sa edge ng speedboat at pinagmasdan ang kalangitang hitik sa bituin.
"My lover... will never be replaceable, Linus. Ang career ko, kaya ko pang bawiin oras na gumawa ako ng hakbang. I know what I am capable of. I know what I can bring to the table and how much passion I have inside me once I dedicate myself into something. My family may have a hard time accepting the truth about me but I know someday, they will understand me. Everything will somehow be perfectly into place, pero oras na ipagpalit ko ang taong mahal ko, baka itong puso ko, baka ito na ang hindi ko maiayos at maibalik sa dati." His lips stretched wider for a bittersweet smile. "When love is worth hurting for, you will always be ready to face all the pain with a smile."
Uminom ito sa bote saka ginaya ang kanyang upo at tumingin din sa kalangitan. "Paano kung hindi pala worth it? Paano kung hindi siya kasing sigurado mo?"
"Then I guess that's gonna be my breaking point. I have nothing else to lose anymore." Lumunok siya sandali. "Why are you asking me this, Linus. Did you remember something again?"
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...