Kabanata 31
HINDI maintindihan ni Linus kung bakit magmula nang dumating kanina ang lalakeng kasama ni Ivler ay dumoble pa ang init ng ulo niya rito. Ni hindi na yata napawi ang kunot ng noo niya magmula pa kanina kahit na kasama niya na't lahat si Micah. His irritation seems too irrational already, and Linus can sense that the problem is on him not with Ivler's presence anymore.
Noong sumapit ang dinner, muntik na siyang mawalan ng gana matapos makitang nagtabi ng upo sina Ivler at Sandro. Hindi pa siya nakakausap ng binata dahil kanina pa siya nagkukulong sa kwarto kasama si Micah at Phiam. Ngayong nasa hapag-kainan na silang lahat, wala na siyang nagawa nang kausapin siya ng lalake.
"Kumusta ka na, Linus? Do you remember who I am?" tanong ng lalake habang nakaupo sa tapat niya.
Bakit doon ito nakaupo? Hindi ba ay si Ivler ang laging naroon? Bakit sila nagpalit ng pwesto? Napalunok siya bigla sa naisip. Why is it such a big deal all of a sudden? Napapraning na siya ha!
Sandaling tumikhim si Linus bago sinalubong ang tingin ni Sandro. "No, I don't, but I'm doing alright. Still don't remember a lot of stuff but I'm great."
Ngumisi ito sa kanya saka nito hinawakan sa balikat si Ivler na naging sanhi ng mariing paglapat ng kanyang mga labi sa isa't isa pati na ang paghigpit ng hawak niya sa kutsara.
"Oh, we're pretty close, mate. We got even closer because of Ivler. Naalala ko noong sinama kita sa Monte Costa noon. I went there to see Ivler and I brought you with me-"
"You went there to see him? As what? As a friend?" hindi niya napigilang tanong sa halatang napipikon na paraan. Napangisi tuloy ito habang si Micah ay napatitig sa kanya pati ang mag-asawang Linel at Ae.
Ivler cleared his throat. "Yeah. He went there as a friend," singit nito saka tinignan si Sandro na tila sinasaway gamit ang mga mata.
Napakunot tuloy siya lalo ng noo. What was that? Is he forbidding Sandro from spilling something? Ano 'yon? Ang relasyon ng mga ito?
Sandro grinned then leaned towards Ivler to whisper something. Natigilan pa si Ivler at napatitig dito kaya halos maningkit ang mga mata ni Linus. Bakit ba pagdating dito ay hindi niya makontrol ang kanyang emosyon?
Sandro said something again that made Ivler laugh. Nagtawanan ang dalawa kaya umigting ang panga ni Linus. Kung hindi pa hinaplos ni Micah ang kanyang braso ay baka nanatili lang kina Sandro at Ivler ang kanyang buong atensyon.
"Gusto mo bang manood tayo ng movie sa kwarto mo mamaya pagkatapos ng dinner?" nakangiting tanong ni Micah.
Napansin nilang natigilan sina Ivler at Sandro. Umayos ng upo si Sandro habang napababa naman ng tingin sa plato nito si Ivler. Nang akmang sasagot na siya ay natigil ang sasabihin niya nang maunahan siya ni Sandro.
"Ae, mag-iinuman kami nina Linel at Ivler mamaya sa may pool area. Sana okay lang isali si Linel. Sayang, hindi pa pwedeng uminom si Linus, eh wala kaming kasama ni Ivler."
Nagsalubong ang mga kulay ni Linus. "Sinong nagsabing hindi ako pwedeng uminom?"
Sandro looked at him then cocked a brow. "Bakit, pwede na ba?"
Ivler cleared his throat. "He's taking meds, Sandro he's not allowed-"
"Are you my doctor, Beckham?" putol niya rito, ngunit nang masabi niya ang huling salita, natigilan si Ivler habang may kumirot naman nang kaunti na bahagi ng ulo niya. Is that... how he calls Ivler back then?
Ivler took a sharp breath. "Nope, but I'm not dumb to know that your meds wouldn't work if you have alcohol in your body. Why? Dying to have a drink with me?"
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...