Kabanata 11
NAKAPAMULSANG naglakad-lakad si Linus sa dalampasigan. Sa mga nakalipas na araw mula nang magdesisyon siyang huwag nang hayaang lumalim ang nararamdaman para kay Ivler, sinubukan niyang ituon kay Micah ang lahat ng atensyon niya.
Whenever Ivler is around and he's with Micah, he tries his best to show that he's happy so he wouldn't notice that he's trying to distance himself. Ngunit ngayong huling araw na ni Micah bukas, parang gusto na lang ding umalis ni Linus sa takot na baka kapag wala na siyang distraction ay mapunta na naman ang atensyon niya kay Ivler.
"Linus, look. Wala yatang kasama 'yong bata," ani Micah saka tinuro ang batang babaeng namumulot ng sea shells sa tabing dagat.
Kasama si Micah ay nilapitan niya ang batang babaeng kung tatantyahin ni Linus ay nasa anim na taong gulang. Si Micah na ang hinayaan niyang makipag-usap sa bata upang magtanong kung nasaan ang mga magulang nito habang nanatili naman si Linus sa tabi ni Micah upang makinig.
The little girl didn't answer. Nang siguro ay napansin sila ng lifeguard ay lumapit ito sa kanila. "Huwag kayong mag-alala, boss. Talagang nagpupunta 'yang si Helga dito tuwing umaga at nagpupulot ng shells. Anak 'yan ng isa sa trabahador sa rancho at imbes mainip, pinapabayaan ng tatay mamasyal dito kapag nagtatrabaho."
"Gano'n ba? So who's looking after her?" hindi naiwasang itanong ni Linus.
"Ako lang, boss binabantayan ko na lang." Nakipag-apir ito sa bata. "Ano, Helga? Mag-ipit ba?"
The little girl smiled then shyly pointed at Linus. Napakunot tuloy siya ng noo at muling napabaling sa lifeguard. "What does she mean?"
Ngumisi ang lifeguard. "Gusto ka niyang talian ng sanrio sa buhok, boss. Pumayag ka na may libreng kendi naman 'yan."
Natawa silang pareho ni Micah. Nang tignan niya ang bata at nakita niya ang kagustuhan nitong gawin ang sinabi ng lifeguard, naupo si Linus sa buhangin at hinayaan ang bata na itali ang tuktok ng kanyang buhok.
Micah giggled and took photos of him. Nang matapos naman siyang talian ng buhok ni Helga, may dinukot itong lollipop sa bulsa saka ibinigay sa kanya na tila reward dahil hindi siya malikot.
"Thank you, Helga. My name is Linus and this is ate Micah."
The little girl smiled and waved at Micah. Mayamaya ay tinawag na ito ng tatay na nagtatrabaho sa rancho para umuwi. Halatang pagod ang tatay nito ngunit nang makatakbo si Helga palapit sa ama, unti-unting napawi ang pagod na nakapinta sa mukha ng lalake. Pinasan nito ang anak sa likod saka ito nagpaalam sa kaibigang lifeguard.
Napatanaw na lang si Linus. Gusto niya rin ng anak... kaya hindi talaga pwede na hayaan niya ang sariling mahulog kay Ivler. Masakit mang isipin ngunit hindi talaga sila talo at ayaw niyang pati pagkakaibigan nila ay maapektuhan pagdating ng araw.
"Tanggalin ko ba?" tanong ni Micah na ang tinutukoy ay ang sanrio na tinali ni Helga sa kanyang buhok.
Hinawakan niya ang tali sandali saka siya ngumiti kay Micah saka umiling. "Nah, maybe I'll keep it this way for now. Humahaba na rin ang buhok ko at nakakaabala na sa mga mata."
"Bagay mo nga rin," kumento nito saka na umangkla sa kanyang braso upang makapaglakad-lakad sila ngunit bago pa man mapalayo sa pwesto, patakbo nang lumapit si Sandro at Colden sa kanila.
"Bro, tawag tayong lahat ni Trunk," balita ni Sandro.
"Trunk? The Chief? He's here?" kunot-noo niyang tanong.
Makahulugang ngumisi si Colden. "Oo kaya hindi ka pwedeng tumanggi kun'di patay tayong lahat. Isang pindot lang ni Trunk, sasara ang clubhouse and we don't want that."
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...