Kabanata 19

14K 518 152
                                    

Kabanata 19

MATAGAL na nakatitig sa larawan nila ni Ivler ang mga mata ni Linus. It's been months since he last saw him and there's no day that Linus didn't miss his presence. He feels so homeless in the past months that he's craving for his big baby, and if it wasn't for his current mission, Linus has probably flew straight to Ivler just to ease the emptiness he's feeling.

Nadama niya ang pagtapik ni Sandro sa kanyang balikat bago ito naupo sa kanyang tabi at kinandong ang baril nito. Nakaupo sila sa edge ng rooftop ng isa sa pinakamataas na building sa Dubai habang hinihintay ang go signal ng kanilang kasamahan. Nang balingan niya si Sandro ay nakatingala na ito sa kalangitan.

"I heard from a friend that someone is sabotaging Azkals. Sinusulot ang karamihan sa players nila kaya siguradong namomroblema si Beckham ngayon." Ngumisi ito at tumingin sa kanya. "Stressed na naman sigurado ang lokong 'yon."

Napabuntong hininga siya sa narinig. If only he could come home to Ivler now and try to at least ease away his stress, he'd do it in a heartbeat.

Nalunok niya ang laway niya at ang kanyang malamlam na mga mata ay natutok muli sa larawan. "Paniguradong saksakan na naman ng sungit ang isang 'yon ngayon."

Umismid si Sandro. "That's for sure. Wala ka eh." Matipid itong ngumiti at sandaling natahimik. Mayamaya ay humugot ito ng hininga saka muling tumingin sa kabilang building. "Alam mo akala ko talaga pagkalipas ng isa o dalawang linggo na hindi kayo magkasama, maiisip ninyo nang pareho na hindi talaga kayo seryoso. Don't get me wrong, mate I support the both of you. I just thought that maybe you'll still look for what you got used to."

Linus flashed a broken smile before he combed his hair towards the back.  "My feelings for Ivler is the purest, most genuine love I've ever felt, Sandro. Siguro kaya hindi ko rin kayang maging kagaya ninyo ni Linel dahil ang totoo, may ibang hinahanap ang puso ko at napakaswerte kong natagpuan ko 'yon kay Ivler. Kung si Micah napakawalan ko noon nang gano'n-gano'n na lang kahit anim na taong naging kami, baka kung si Ivler ang mawala... hindi ko alam, pre baka bumigay ang isip ko..."

Ngumisi ito at tinapik-tapik ang balikat niya. "Well you're lucky you found someone who's a hoe his whole life but became the most faithful partner I've ever seen the moment you came into his life. Sa rami ng mata ko sa Pilipinas, ni isa walang nagsabing nakitang nagloloko si Ivler kahit wala ka."

That's what makes Linus even more in love with Ivler. His reputation as a man before they met each other was really terrible. He's a walking red flag as most people call him, but because of their relationship, his faithful version came out. Linus feels so blessed to be the reason why Ivler chose to become the better version of himself, and he will always be proud of his Ivler for that.

He let out a heavy sigh then wore his helmet when he saw the blinking green light coming from the other building. "What can I say? I will always be the luckiest for having such a big baby." He smirked. "Let's do this."

Ngumisi ito at tuluyang hinagis ang tali kasabay niya saka sila sabay na nagpadulas pababa ng building para gawin ang kanilang misyon. Matapos lang ito, pwede siyang sumibat para makita si Ivler at makasama man lang ito kahit ilang araw lang.

He cannot wait to see his Ivler again...


NATUON kaagad ang mga mata ni Ivler kay Khalid Ducani nang dumating ito sa meeting place. Sinubukan niya itong i-chat para kumpirmahin kung mayroon ba itong nasabi kay Micah tungkol sa relasyon nila ni Linus pero dahil inactive si Khalid sa mga nakalipas na buwan mula noong masyado na itong natutok sa on-going construction ng bagong Hotel Khallisa sa Armenia, ngayon lamang nito nagawang makipagkita.

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon