Kabanata 8
PAGKAKITA pa lang ni Linus kay Micah na naghihintay sa lobby ng Raja Amor Suites ay napansin niya na kaagad ang pag-aliwalas ng mukha nito.
"Micah."
She stood up and went straight to him to give him a tight hug. Yumakap din naman siya rito pabalik, ngunit hindi tulad noon na sabik siyang makulong ito sa kanyang mga bisig, ngayon ay tila simpleng kaligayahang makitang muli ang dating kaibigan ang lumukob sa kanyang puso. Isang bagay na hindi maintindihan ni Linus.
Micah has been his bestfriend before they decided to take their relationship to the next level. Malalim na ang kanilang pinagsamahan kaya nga kahit na may iba na itong nobyo, gusto pa rin niyang nakikibalita tungkol kay Micah.
"Kumusta ka na?" tanong nito nang kumalas sa yakap.
"I have a terrible hangover but luckily, the meds is starting to work now so I'm feeling a little better."
Lumamlam ang mga mata ni Micah. "That's... not what I meant." She held him by his hand and gently squeezed it while looking into his eyes. "Anong ginawa ni Iggy sayo, Linus? Did he hurt you? May nagsumbong sa akin. Totoo ba iyon?"
Linus flashed a genuine smile at Micah, but before he could even tell her he's fine, he spotted Ivler going inside the hotel. Nakapamulsa ito at wala na namang emosyong mabakas sa gwapong mukha habang dire-diretso ang lakad na akala mo ay hindi siya nakikita.
"Ivler!" tawag niya rito ngunit sinulyapan lang siya sandali saka dumiretso na sa elevator. Nang makapasok ito sa loob marahil para puntahan si Jael, hindi napigilan ni Linus ang mapakunot ng noo. "Anong problema no'n?"
"Si Ivler Beckham ba 'yon? 'Yong myembro ng Azkals?"
Napabaling siyang muli kay Micah nang marinig ang tanong nito. "Yeah. He's my new friend," he said, surprisingly happy to tell her that he and Ivler are now on that level. Kung bakit ay hindi niya rin alam.
"Talaga? Bakit hindi ka man lang pinansin? Totoo bang masungit 'yon? Laging sinasabi sa mga balita tungkol sa kanya na masungit daw hindi katulad ng kuya niya na si Alvern na very wholesome ang personalidad."Linus slightly pouted for a moment. "Not really? Maybe it's just Ivler's facial features." Ngumisi siya. "Mukha lang masungit. Baka masakit lang din ang ulo dahil nag-inuman kami kagabi tsaka... isa si Ivler sa tumulong sa'kin no'ng binugbog ako ng mga tropa ni Iggy. Baka badtrip lang siya kay Iggy."
"I knew it." Micah sighed. "Pasensya ka na. Hindi naman bayolenteng tao si Iggy kaya lang grabe din kasi magselos lalo na sayo. Minsan nasasakal na ako kaya nakipag-break na rin muna ako. I'm planning to stay here for a week. Sayang din. Maybe we can catch up a bit before I leave for Barcelona."
"Barcelona? Did you get your dream job?" excited niyang tanong. He knows about that company she's been dreaming to be part of.Ngumiti ito at umangkla na sa kanyang braso upang yayain siya sa dalampasigan. "Hindi pa sa mismong company na gusto ko pero it's a good start, I guess. Suportado naman ako ng parents ko."
"Kumusta na pala si tita Cassy at tito Kael? Sayang, hindi ako pwedeng magpagala-gala pa sa Manila. Huwag mo na lang din ipaalam sa iba na umuwi ako at baka hanapin na naman si Linel sa'kin."Micah chuckled softly. "Hindi lang sayo hinahanap si Linel. Pati sa'kin, ano!" She pushed her hair to the back of her ear. "Si mommy okay naman. Maganda ang takbo ng business niya ngayon. Si Daddy na-promote ulit no'ng nakaraan. Ang kulit, ayaw talaga magretiro nang maaga."
"Oo nga pala, paano mo nalamang nandito ako?"
"Si Khane, nag-visit sila dito noong isang araw kaso hindi mo lang sila nakita dahil saglit lang. Kasama niya sina tito Klinn. Sila ang nagsabing nandito ka kaya tinanong ako kung alam kong nandito ka sa MC."
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...