Wagas

12.4K 256 15
                                    


"Sygred!"

Mula sa pag hahalo ng juice ay napalingon ako sa direksiyon ni Mommy na nasa sala.

"Yes po, Mom?" Magalang kong tanong habang hinahalo pa din ang juice.

"What is this, Sygred?!" Tumaas ang boses nito, kaya napahinto ako sa pag halo at nabitawan ang kutsara na pinanghahalo ko sa juice. nakaramdam ako ng kaba dahil sa tono ng pananalita ni Mom.

"I thought you're taking business administration?!" Sigaw nito kasabay ng papalapit na yabag, rinig na rinig ang malakas na pag tunog ng heels nito sa tiles na sahig. Honestly, I'm already 17 years old for god'sake! pero takot pa din ako kay mommy.

"Mom..." Tanging nasabi ko habang nakatingin kay Mommy na matalas ang tingin saakin, Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong hawak hawak ang katibayan na hindi Business Ad ang tinetake ko.

"Mom, nasabi ko na po sainyo dati, hindi po ba? na... education ang kukunin ko hindi buss-" pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumagapak sa pisnge ko ang sampal ni Mommy, tumabingi ang pisnge ko dahil sa pagkakasampal niya at dahan-dahang akong napahawak dito. Hindi ako nag taas ng tingin, pinipigilan kong maiyak kahit ramdam ko na ang hapdi sa mga mata ko. Ngayon lang ako nasaktan ni Mommy.

Ayoko namang kunin yung kurso na ayaw ko, When i was young i really wanted to be a Teacher someday.

Simula noon ay hindi na ako pinapansin ni Mommy, ganoon siya everytime na galit siya. Gusto niya talagang kumuha ako ng business administration, dahil ako lang daw nag iisa niyang anak na lalaki, Pero si Dad, suportado siya kung ano ang gusto ko.

Nag nenegosyo si Dad, at dahil ako ang panganay at nag iisang lalaki ay gusto ni Mommy na ako ang mamahala ng kompanya, pero gustuhin ko man ay ayoko talaga, hindi naman talaga yon yung gusto ko. Ayoko namang i-take yung course na ayoko naman talaga simula't sapul.
Mas maganda talaga yung course gustong gusto mo. Talagang mag eenjoy ka dahil masaya ka sa ginagawa mo.

Palagi ding sinisisi ni Mom saakin ang isang bagay, kahit hindi ko naman ginawa at ang mga kapatid ko ang may gawa. Pag dating sakin, nagiging pala-sita siya. Ang hilig-hilig niyang mamuna. Minsan, naiisip ko na ang unfair unfair ni Mom.

Saaming magkakapatid, Kung sino pa yung bunso yun pa yung may hilig sa business.

Pinagalitan nanaman ako ni Mom, nang dahil sa kasalanan na hindi naman ako ang may gawa.

"Hey, son! are you okay?" nag aalalang tanong ni Dad at tinapik pa ako sa balikat, mula sa pagkakayuko ay nag angat ako ng tingin.

"I'm okay, dad." mahinang sagot ko at maliit na ngumiti.

Napabuntong hininga ito at naupo sa tabi ko.

"Pinagalitan ka nanaman ba ng Mommy mo?" tanong nito, dahan dahan akong tumango.

"Siya lang naman itong may gustong kumuha ka ng business administration. pero son, ako? gusto kong kunin mo yung course na alam mong ikasasaya mo, nandito lang ako Sygred sa tabi mo at palaging nakasuporta sayo." anito.

Pakiramdam ko hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ni Dad. Ngumiti ako.

"Thank you, dad. I know! buti ka pa nga e, okay lang sayo. Pero si mom kung ano yung gusto niya gusto niya talaga kahit alam niyang ikakasasakit ng damdamin ng anak niya," madamdaminh sabi ko at napailing bago mapait na napangiti.

I hope someday, hayaan na ako ni mom sa mga bagay na ikakasaya ko.

"Mrs. Montanier?" Mula sa pag susulat sa aking notebook ay nag angat ako ng tingin sa Professor kong nag salita. Nangunot ang noo ko.

Is that Mom?

Hindi nga ako nagkakamali dahil pagkatingin ko sa pintuan ay nandoon si mom, masama ang tingin na pinupukol niya saakin. Ramdam ko din ang takot na nararamdaman ng mga kaklase ko, sino ba naman ang hindi matatakot sa isang Lucille Montanier? lahat ata ay kinatatakutan ang mommy ko. Pero maski ako ay natatakot din kay Mom lalo na nang mag salita siya.

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon