"May pasok ka ngayon?" tanong ko kay Raquel, my bestfriend.
Tumango siya bago sumipsip sa paborito niyang matcha frappe. I really don't like matcha, alam 'yan ni Raquel. I'm more into Chocolate.
"Yes, mamayang 9:30 pa yung start ng class ko. Hatid na muna kita, tapos papasok na rin ako," sagot niya.
Napangiti ako.
She's always like this, that's why I love her so much. She's so kind and caring.
We've been friends for six years now. We met noong senior high school pa kami. Masyadong maaga kasing pumanaw ang mga magulang ko, kaya't nang mag senior high ako, lumuwas ako ng Manila para mag-aral. Simple lang ang buhay namin sa probinsya. Malaki ang pinagkaiba ng estado ng buhay namin ni Raquel, pero hindi niya pinaramdam sa'kin 'yon, kaya sobrang thankful ako na mayroon akong ganitong kaibigan.
Noong buhay pa ang mga magulang ko, madalas kong sabihin sa kanila na gusto kong mag-aral sa Manila. Tingin ko kasi mas malaki ang oportunidad na naghihintay sa'kin dito. Kaya nang mawala sila, ipinangako ko sa sarili ko at sa kanila na tutuparin ko ang pangarap ko.
My parents passed away in a car accident. Nagtanan sila noong kabataan nila at nakahanap ng tirahan sa Cebu. That's why I don't know who my relatives are or where they live. I was left alone when they died.
When they passed, I didn't know what to do. I was still young back then, pero sobrang nagpapasalamat ako sa mga kabarangay namin kasi tinulungan nila ako para magkaroon ng maayos na burol at libing ang mga magulang ko. After nilang mailibing, hindi ko na alam kung saan kukuha ng pang araw-araw na gastusin at sa pag pag aaral. Until one day, I found a piggy bank full of money with a letter.
I cried at that time because I knew my parents worked hard for every penny they saved there.
Nakakuha ako ng scholarship dito sa Manila, and nilagay ko sa banko ang iilan sa perang inipon ng magulang ko.
"Ingat ka, Quel," sabi ko at humalik sa pisngi niya.
"Ingat ka rin, ah?" sabi ni Raquel at inikot ang paningin sa mga estudyanteng nasa paligid namin. Tumigil siya sa isang kumpol ng mga kalalakihan na nakatingin sa amin.
"Ingat ka sa mga 'to! Simp na simp sayo, grabe kung makatingin," natatawang sabi ni Raquel habang tinutok ang tingin ko sa mga lalaking nakatingin sa amin. Nang makita nilang nakatingin ako, agad silang umiwas ng tingin.
I really don't like attention, especially when it comes from guys.
Nang makaalis si Raquel, agad akong naglakad papunta sa building ng Educ.
Papasok na ako sa main building nang hindi sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng isang grupo ng mga kababaihan. Maingay sila, nag-uusap at panay ang hagikgikan.
"Omygod! Ang gwapo niya!"
"Ang bango pa!"
"Crush ko na si Sir!"
"Aya, he's mine!"
Sino kayang sir 'yun na tinutukoy nila?
Idalia, bakit parang curious ka? Stop it!
Habang naglalakad ako, ramdam ko ang mga tingin ng mga tao na nadaanan ko, lalo na ng mga kalalakihan. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Hindi ako comfortable kapag pinagtitinginan ako.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Kinapa ko sa palda ko ang cellphone ko. Nang makapa ko ito, agad ko kinuha at hindi ko naiwasang mapangiti nang makita ko ang text mula kay Jacob. My boyfriend!
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomansaFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...