Ang lakas ng tibok ng puso ko, and I would say that aside from his good looks, I can't deny that he's really powerful and intimidating.
Bumulong si Seven na nasa tabi ko.
"Ang sungit ni Prof, noh? Pogi sana e. Balita ko, terror daw 'yan at napakasungit daw pala-" Napatigil siya nang biglang magsalita si Professor Montanier.
"May sinasabi ka?" Matalim ang tingin nito kay Seven. Kung ang tingin lang ni Prof ay pumatay, siguro nakahandusay na si Seven ngayon.
Napalunok si Seven at sunod-sunod na nag-iling. Kita ko ang takot at kaba na nakabalandra sa mukha niya.
"W-wala po, Prof..." utal niyang sagot.
Sinamaan pa siya ng tingin ni Prof bago nagsimula magturo.
Sobrang tahimik ng klase, and even I was scared of him. He had that look na parang magsalita ka lang, sisigawan ka na. He's the type of guy na tahimik, masungit, and suplado, at nakakatakot kausapin.
Ganun na talaga ang first impression ko sa kanya, even noong unang beses ko siyang makita kanina.
Napahawak ako sa dibdib ko. I noticed na parang kakaiba ang tibok ng puso ko for this professor, na hindi ko kailanman naramdaman sa boyfriend ko. Don't compare him to your boyfriend, Idalia! Natatakot ka lang sa kanya kaya ganyan! Tama! Tama!
Professor Montanier is strict. Gusto niya na lahat kami ay nakatutok sa tinuturo niya. He wants us to learn. Ayaw niyang lumabas ng classroom nang walang natutunan ang bawat isa sa amin. Detalye siya magturo. You really can't help but admire him.
Hindi ako sigurado kung nakikinig ng maayos ang mga kaklase ko, especially the girls. I kept glancing at them, and they looked so distracted. Focused sila sa itsura ni Prof, not on the lesson he was teaching.
Lumalakas pa lalo ang tibok ng puso ko everytime na nagkakaroon ng eye contact si Professor Montanier at ako habang nagdi-discuss siya.
He seems possessive and territorial.
Napaisip ako. May asawa na kaya siya? Girlfriend? Napailing ako. What are you thinking, Idalia? Wala ka na doon!
Tanging si Professor Montanier lang ang klase namin for the first day. The other subjects were just introductions. I found out na hindi pala Educ student si Seven. He's taking fashion design. I asked him why he was here, and sabi niya, curious siya kay Professor Montanier because of what he heard from our classmates.
Naglalakad ako mag-isa palabas ng university. Nauna na si Seven kasi pinasundo siya ng dad niya. Just by looking at Seven, I know he's rich mukhang unico hijo nga siya.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. My professor kept running through my mind. I couldn't help but admire him more when I saw him earlier helping Ma'am Borneo, one of the oldest teachers here. Professor Montanier was carrying her bag while holding her arm, and they were walking down the stairs together.
I know he's not that bad even if he seems strict.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. I felt guilty when I saw a lot of messages from Jacob. Bakit ba nakalimutan mo ang boyfriend mo, Idalia? It's okay to admire him but don't let it occupy your thoughts. You have a boyfriend!
From: Jacob Andrei
Love, how was your day?
Love? Nakauwi ka na?
Love? Love?
Hey, love?
What are you doing? I miss you already :(
Let's call! Free na ako ngayon.I couldn't help but feel guilty while reading Jacob's messages. I immediately typed a reply.
To: Jacob Andrei
Sorry love.
Kakatapos lang ng klase ko. Pauwi na ako. I love you.
Call tayo pag nakauwi na ako.Napabuntong hininga ako pagkatapos kong isend.
Nang makalabas ako ng gate ng university, marami pa ring estudyante. Hapon ang labasan ng mga senior. Naglakad na ako papuntang bus stop.
May dumadaang bus sa harap ng SPU. Tumayo ako doon, at may ilang mga estudyante akong kasabay. Habang naghihintay, may narinig akong mga bulungan.
"Fiancée ni Prof?"
"Model daw 'yan,"
"She's so pretty!"
"True!"
Nangunot ang noo ko at napatingin sa tinitingnan nila. And there I saw Professor Montanier with a girl. She was tall and morena. Professor was holding her waist while assisting her into the car. After she got in, he immediately went to the driver's seat.
Napahawak ako sa dibdib ko at tumalikod nang dumaan ang sasakyan sa harapan ko. Bakit parang may kirot? What is this?
Habang nasa byahe papauwi, hindi ko maiwasang maisip ang nakita ko. May fiancée pala si Prof.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, agad akong nahiga sa kama ko dala ang malaking moby. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Agad ko itong kinuha at napangiti nang makita ko ang pangalan ni Jacob tumatawag.
"I miss you," bungad niya pagkasagot ko. Napangiti ako, pero agad nawala ang ngiti ko nang maalala ang lahat ng nangyari kanina. I felt guilty for being attracted to someone else, but I convinced myself it was just admiration.
Pinaniniwalaan ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay dahil sa takot ko kay Prof kasi nakakatakot naman talaga siya, right? But why does it feel like pain?
"I-i miss you too.." hindi ko mapigilang mautal, na kinatawa naman ni Jacob.
"I can't wait to be with you again, I miss you already." may tonong malungkot na sabi ni Jacob, na kinatawa ko.
Ito dapat ang kailangan kong atupagin. Me and Jacob. I shouldn't be paying attention to whatever this weird feeling is towards my professor. I don't know what it is, but it's not right. Kanina lang kami nagkita, and this is weird.
"How's your day, love?" malambing na tanong ni Jacob.
"Maayos naman, love," sagot ko, at tumingin sa kanya. "How about you? Did you have enough sleep?" tanong ko. He looks tired.
Tumawa ako nang humikab siya na sumakto pa sa tanong ko. "Gumising ako para tawagan ka," nakangiting sabi nito, na kinindatan pa ako.
Nanlaki ang mata ko, kung nandito siya baka nahampas ko na siya.
"Hoy, you need to sleep!"
"Love, it's okay. Mahaba pa ang gabi, pwede pa akong matulog mamaya," sabi niya, na hindi ko na kayang kontrahin dahil makulit talaga siya.
Hindi naman masyadong nagtagal ang usapan namin ni Jacob, pero habang nag-uusap kami, paminsan-minsan pumapasok sa isip ko si Prof na pilit kong tinatanggal. Hindi ko rin maiwasang maisip yung nakita ko kanina. May fiancée na pala siya.
It's already midnight, but I went out because I ran out of stock. Malakas ang ulan, pero may dala akong payong kaya okay lang. Huminto ako sa gilid at pinatulo ang payong ko. Nang marinig ko ang dalawang teenagers na nag-uusap sa tabi ko.
"Weny, naniniwala ka ba sa love at first sight?"
"Yes, naniniwala ako."
"Posible ba 'yon?"
"Oo, posible 'yon!"
"Bakit? Naranasan mo na?"
Mula sa pagtitig ko sa dalawang nag-uusap, inilipat ko ang tingin ko sa harap at tiningnan ang mga patak ng ulan sa kalsada habang pinakikinggan sila.
"Hindi, pero may nabasa ako tungkol doon, tapos yung kakaibang tibok ng puso daw."
"What do you mean?"
"Ang weird ng tibok ng puso, yung sa iisang tao lang nararamdaman, tapos hindi mo siya maiwasan isipin."
"Then, is that love at first sight?"
"Yes, an-" Hindi ko na tinapos pakinggan ang pinag-uusapan nila, and even though it's still raining hard, I walked away.
Habang naglalakad pabalik sa apartment, hindi ko maiwasang isipin ang pinag-usapan nila. Is it really possible?
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...