"lady hera!"
"lady hera!"
"hera!"
napakurap ako at napatigil sa pagtutusok ng karne na nasa hapag ko nang may tumawag sakin. inangat ko ang tingin ko at kitang lahat ng tao na nasa table namin ay nakatingin sakin. kasama namin ngayon ang mga babae galing sa tea party at dalawang lalaki na nakasama namin noon. lahat sila ay nag aalalang nakatingin sakin pwera kay aziel na kumakain.
"huh?" iyan lang ang naisagot ko dahil hindi ko alam kung bakit tinatawag ako ni thiarra.
"are you alright? kanina pa kita tinatawag kaso sobrang lalim ata ng iniisip mo kaya hindi mo ako marining." nanlaki ang mata ko dahil hindi ko napansin na kanina niya pa ako tinatawag. masyado na akong nalunod kakaisip kung si aziel ba talaga ang magician ng amari fortress.
" i'm sorry, i didn't mean to be rude. may iniisip lang talaga ako." ngumiti naman si thiarra at ngayon ko lang napansin na may blue roses siya sa buhok niya. does that mean drake asked her out? so that's why she's more happier than before. napasulyap ako sa direksyon ni drake and i can no longer see his dazed eyes whenever he looks at me. well done drake, sana magpatuloy na iyan.
"sobrang lalim nga ng iniisip mo to do the point that you became lost, princess." i glared aziel because of what he said. he's just playfully looking at me while eating his meal. you bastard, it's your fault that i'm being like this!
" you must be lucky to have him as a partner, right lady hera? he even calls you a princess." kinikilig na saad ni liana at nilagay pa ang dalawang kamay sa magkabilang pisnge nito.
"i should be one that feel lucky, afterall some gentlemen ask her earlier before we entered to our classroom." he humbly stated that made me disgusted. there he is again, back to his 'politeness'.
"right! i can't believe that the prince of fuerox even ask you! your beauty and strength to your battle really draw his attention to you." pilit lang akong ngumiti dahil ayaw ko talaga maalala ang nangyari kaninang umaga. stress na nga ako kay aziel, pati ba naman sa prinsipeng 'yan.
"oh so you're discussing about me." lahat kami ay nanlaki ang mata sa narinig at agad akong napalingon sa likod ko. bumungad sakin ang nakangiting pagmumukha ni zavi at kaagad na yumuko para batiin kami.
"i greet all of you especially the crown princess of claveria. can i join you guys since i'm being lonely eating by myself." lahat kami ay tutol sa hiling niya pero wala kaming magagawa dahil isa siyang prinsipe ng ibang kaharian. lahat ng mga estudyante dito sa paaralan ay iwas sakanya dahil sa nangyaring digmaan tatlong taon na nakalipas. malaki ang galit nila sa kaharian niya dahil sa namayapang mga tao na nakilahok sa digmaan.
kumuha siya ng upuan at tumabi sakin dahil sa kaliwa ko ay may bakanteng pwesto. sumisipol siya habang nilalapag ang pagkain sa lamesa at nag angat ng tingin samin.
"what? why don't you continue your conversation? don't mind me if you're uncomfortable by my presence. i'll be more glad to hear your stories." nabalutan ng katahimikan ang lamesa namin buti nalang at nagsalita si lucian.
" ehem, why don't we talk about our outfits in this upcoming ball?" masigla niyang tanong kaya ang iba naman ay masaya ding sumagot. halatang excited sila sa mangyayaring party sa sabado. how i wish i can share their optimistic.
walang gana akong kumain dahil sa katabi ko na biglang nakikisali samin at pinipilit kong lunukin ang pagkain ko. bakit sa lahat pa ng upuan, bakit dito pa ako umupo?! edi sana hindi ko katabi 'tong stalker ko. oo stalker dahil alam kong siya ang nanunuod sakin sa malayuan simula ng matapos ang assessment.
sa kabila ko naman nakaupo si aziel na naglalaro sa kanyang cellphone. buti pa siya tapos ng kumain samantalang ako napapaisip pa din sa totoong identidad niya.
YOU ARE READING
bound beyond fates
Fantasyherady flivea claveria is a princess-slash-assasin. life's never been easy for her; even now, she's running away from it. who would even expect that a literal set of chains would stop her? and because of some sort of coincidence (maybe a sick fate)...
