chapter 40.

7 1 0
                                        

kinuha ko ang kamay ni aziel upang makababa ako ng sasakyan. nandito na kami sa paaralan at kita sa paligid ang dami ng mga tao lalo na ang mga media. napapangiwi na si aziel dahil sa mga flash ng camera na nakatutok sakanya.

pagkalabas ko, mas lalong dumami ang mga flash ng camera kaya napapapikit nalang ako sa liwanag. habang hawak pa din ang kamay ko, pareho kaming naglakad ni aziel sa inihandang red carpet sa harap namin. nasa magkabilang gilid namin ang mga media at may magic restriction na nakalagay kaya hindi sila basta basta makakalapit saamin.

nang masanay ako sa mga liwanag galing sa camera, taas noo akong nakatitig sa pintuang aming tinatahak. nasa loob nito ang dance hall at dito nagaganap ang nasabing pagdiriwang.

"ugh, i know that i'm handsome but could they stop capturing every angle of it? it's kinda annoying. " reklamo ni aziel at kita talaga ang pagkadisgusto niya na makuhanan ng litrato. pati din noon, halatang ayaw niya talaga nakukuhanan ng larawan kaya pinipilit ko siya lagi.

"manahimik ka, baka may gawin ka sa mga camera nila kaya itigil mo kung may binabalak ka man. " i heard him tsked and he nonchalantly stared forward. you're really planning something and i know it's not good.

may dalawang nagbabantay na knight sa tapat ng pintuan at pareho silang yumuko samin. tumango naman kami at dahan dahan nilang binuksan ang pintuan.

napapikit ako sa liwanag na nanggagaling loob at namamanghang napatingin sa ibang taong may magagarang damit at sumasayaw sa gitna. may ilan din sa gilid na nakaupo at may nakahandang pagkain sa hapag nila. lahat sila ay may bakas ng ngiti sa kanilang mukha habang nakikipag usap. kita sa itaas ang nakakasilaw na chandelier kasabay ang bahagyang musika na pumapalibot sa buong silid.

"sir aziel vallejos and lady hera vuitton have arrived!" parang mga dominong napalingon samin ang mga tao nang inanunsyo ang aming pagkadating. kita sa mukha nila ang pagkamangha, ang iba pa nga ay napanganga at may narinig akong nabasag sa 'di malayuan.

"oh my god, they look so unreal."

"i didn't expect them to be more beautiful than they are. "

" oh my gracious, they look so good in red. they are definitely matching. "

" they are the most good looking couple i've seen in my life. "

" they're totally fit to each other! "

naiilang ako sa mga naririnig kong papuri at nilikot ang aking tingin upang iwasan ang mga nagbabagang matang nakatitig samin. ngunit napahinto ako nang makita ang kamay ni drake na kumakaway kaya sinundot ko ang kamay ni aziel upang senyasan siya na dumiretso kami sa table nila drake.

nakuha niya kaagad ito not minding the stares and murmurs about us. ginabayan niya ako papunta sa table at pansin ko ang mga nakakasama namin tuwing lunch ang katabi nila drake at thiarra. as expected to this couple, they look so dazzling with their outfit today.

"hi there, you all look so attractive today especially you, princess thiarra. you look more gorgeous than ever. can we sit here beside you? " i politely ask while smiling at them. tila natauhan sila sa pag sasalita ko dahil kanina pa sila nakatulala samin. pati din si thiarra na tuliro ay nauutal na nagsalita.

"o-of course. why are you even asking? kaya nga may bakanteng dalawang upuan sa tabi ko." kahit naweweirduhan ako sa inaakto ni thiarra, pinaghila ako ng upuan ni aziel upang umupo. matapos kong umupo, umupo din siya sa tabi ko at kumuha ng basong naglalaman ng wine. does he like wine?

"i think you're more gorgeous than us lady hera." napalingon ako kay thiarra na namumulang nakatingin samin at nabaling din ang atensyon ko sa sunod sunod na papuri na binato samin ng mga kasama namin sa table.

bound beyond fatesWhere stories live. Discover now