chapter 45.

5 1 0
                                    

"princess!" tumalikod ako sa taong tumatawag sakin dahil inaantok pa ako. isang oras lang ang tulog ko kaya pwede ba nila ako patulugin? kasalanan talaga ito ni aziel. ilang oras akong mulat kakaisip ng nangyari saming dalawa sa fortress noong umuwi kami kaya hindi ako kaagad nakatulog.

nagtalukbong ako ng kumot upang takpan ang boses na tumatawag sakin. lalong sumakit ang ulo ko dahil sa ingay na nanggagaling sa likod ko kaya mahigpit kong niyakap ang unan sa aking tabi.

"please princess, wake up! it's already night. isang araw ka ng tulog kaya dapat gising kana ngayon." i know! but i just can't sleep! the moment i try to close my eyes, nakikita ko ang nagliliwanag na mata ni aziel habang hinahalikan ako. so how can i sleep with that thoughts?!

umungol lang ako bilang pangtanggi pero hindi nagpatinag si eli kaya dali dali niyang tinanggal ang kumot ko at hinila ako paalis ng kama ko. nakayuko lang akong sumusunod kay eli na hawak hawak ang kamay ko palabas ng kwarto ko. nakapikit ako dahil sa antok at ngayon ko lang napagtanto na nakasuot pa din ako ng nightgown. bakit ba nagmamadali ngayon si eli? normally hindi siya ganito, kung magmamadali man kami, papalitan naman niya ang nightgown ko. nakalimutan niya ba?

hindi nalang ako nagsalita dahil sa nararamdaman kong antok. ramdam ko ang malamig na sahig sa paanan ko dahil nakapaa akong naglalakad. hindi ko nalang pinansin ang mga taong nakakasalubong namin at kung saan kami papunta. i just want to sleep now. kahit saan basta makatulog na ako.

"princess? can you look at me?" sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero blur lang ang nakikita ko. narinig kong bumuntong hininga si eli at dahan dahan niya akong inalalayan paupo. napagtanto kong nakaupo ako ngayon sa sofa dahil sa lambot nito kaya kumuha ako ng unan at humiga dito. pinikit ko ang mata ko upang matulog pero nagambala ito nang may marinig akong pamilyar na boses.

"i didn't expect her highness to look indignitied like this." even when i can't see him, i'm sure he has that smug expression based from the tone of his voice.

"aziel..." mahinang saad ko habang yakap yakap ko ang isang unan. masyado na siguro akong inaantok kaya wala akong enerhiyang mag react sa presensya ni aziel ngayon. sinubukan kong imulat ang mata ko pero ilaw lang ang naaninag ko kaya gamit ang unan na yakap ko, pinagtakip ko ito sa mukha ko. unti unting akong pumikit para matulog ulit.

"herady." binuksan ko kaagad ang mata ko at dali daling napaupo dahil sa imahinasyon ko. i thought i saw his red glowing eyes and heard his baritone voice. bakit hanggang ngayon hindi pa din umaalis sa utak ko ang nangyari samin kahapon? it's just a kiss! but it's my first kiss.

"are you alrig-"

"i'm fine! i'm perfectly fine so don't ask me!" natataranta kong sigaw ko kay aziel na mas naaninag ko ngayon dahil mulat na mulat ang mata ko. ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isipan ko ay nasa harapan ko ngayon.

"o...kay? but what happened to you? you look like you didn't sleep for a day." unti unti siyang lumapit sakin kaya nagmamadali akong sumiksik sa gilid ng sofa. napatigil siya sa reaksyon ko at bahagyang ngumisi na parang may napagtanto.

"are you still flustered because of the ki-" naputol ang sasabihin niya ng ibato ko sakanya ang unan na hawak ko. agad niya itong nailagan and i can see his playful expression etching in his face. you bastard! how can you still act normal like nothing happen? you even look so proud right now.

"shut up! i'm not thinking anything!" pabalang na sagot ko atsaka tumalikod na humiga sa sofa. ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko kaya lalo kong itinago ito sa backseat ng sofa. how dare you to make feel like this aziel. it's so unfair.

"then why are red? is that the reason why you can't sleep? should i take responsibility of it?" mapang asar na saad ni aziel kaya mas lalo kong pinaliit ang sarili ko gamit ang pagyakap sa tuhod ko. hindi ako makapagsalita dahil sa hiyang nararamdaman ko buti nalang at narinig ko ang boses ni eli sa malayuan.

bound beyond fatesWhere stories live. Discover now