8th Clash

133 4 21
                                    

*tiktilaok*

5:00AM, maagang nagpulong ang mga babae ng Bangtan High. Ito ay para sa preparasyon sa gaganaping Intrams mamaya.

"Mga beks, kinakabahan ako. Manalo kaya tayo?" Tanong ni Evan na kanina pa di mapakali.

"Oo naman, walang duda haaaaa~" sagot ni Cye sabay hikab. "Grabe antok pa ako. Sino gusto magkape?" Alok nya sa mga kaibigan.

"Tanong mo si Jenny kung gusto nya," sagot ni Danice.

Napangiwi naman si Cye sa sagot. Hindi kasi umiinom ng kape si Jenny. "Dami mo alam Danice. Pero seryoso na, tara bili tayo ng kape."

"Haaaa~ ikaw na lang. Tas ibili mo na kami. Antok pa ko e," tugon ni Rose habang nakasubsob ang mukha sa mesa.

Napairap nalang si Cye sa pinsan. Psh. Kahit kailan talaga, ang tamad nito ni Rose. "'Van, samahan mo ko?" Aya nya kay Evan na gaya ni Rose ay nakasubsob din ang mukha sa mesa.

"Yoko beks. Inaantok pa talaga ako. Ikaw na lang, kaya mo 'yan," Evan.

Napasimangot naman si Cye. Ayaw nila akong samahan? Alangan namang ayain ko itong si Jenny, e di naman mahilig sa kape yan.

Napakamot na lang sa ulo si Cye. No choice talaga. Kailangan nyang bumili mag-isa. Wag kayong hihingi. Hmmp.

"Tara samahan kita," nagningning ang mata ni Cye nang tumayo si Danice para samahan sya.

"Ayiiiee! Ilabyoubeb! Sabi ko na di mo ko matitiis e hihi."

Umalis na sina Cye at Danice. Una nilang pinuntahan ang cafeteria para maghanap ng kape. Pero sarado pa rin ito. Kahit yung vending machine, hindi rin gumagana.

"Ay ano ba 'yan, bakit sira 'to?" Naiinis na tanong ni Cyrene. "Saan tayo bibili?"

"May karinderia malapit dito. Nagbebenta sila ng kape, yung hinuhulugan ng Php5.00. Dun na lang tayo," ani ni Danice.

Tapos ay naglakad na sila papunta sa karinderiang sinasabi ni Danice.

"Ay sh-et." Napamura si Cye sa nakita.

"Istapit! Ako na kasi, mga boploks tsk tsk"

"Wag ka nga dyan. Kailan pa natuto magkape ang kabayo?"

"Bakit kape ba ang pinapadede sayo ng nanay mo kaya ka maliit?"

"Hindi. May kasamang coffeemate 'no! Ano kala mo sa nanay ko cheap?"

Nagulat sina Danice at Cye nang makita ang pinuno ng Bangtan Boys na pinagkakaguluhan ang kape.

"Aissht! Ako na nga kasi nano!"

"Wag magmarunong kabayo!"

"P-uta. Ano mag-aaway muna kayo?"

"Hoy panget tumigil ka"

"Tss. Para kayong mga bata." Sabat ni Jungkook na halatang naiinip na.

"Para kang ilong." JHope.

"Mukha kang kabayo" Jungkook.

"Hoy tumigil na nga kayo. Kape lang e!" Awat ni V. "Dapat kasi nagkape na kayo sa bahay nang wala ng ganyan. Ang iingay nyo, aga-aga."

Napatitig si Cye kay V nang magsalita ito. Bakit ba ang gwapo gwapo ng isang 'to? Titig na titig sya sa mukha ni V. Hindi pinapalagpas ng mata nya kung paano kumunot ang noo ng binata. Kung paano bumuka ang labi nito sa tuwing magsasalita. At kung paano lumaki ang butas ng ilong nito kapag naaasar.

"Tumabi muna kayo. May bibili ng kape," sabi ni Jin na nakatingin kela Danice.

"Ay.. sila pala. Sayang bakit dalawa lang kayo? Saan 'yung tatlo?" Tanong ni Suga na humarang pa talaga sa daraanan ng dalawa. Mukhang may hinahanap.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon