Knight in Shining Stranger
Continuation...
"Brrr~" umihip ang malamig na simoy ng hangin sa park.
Walang tao ngayon sa park, madilim ito dahil sa iilan lang ang poste ng ilaw meron. Tanging si Jenny lang ang tao, nakaupo sya sa may swing habang kumakain ng ice cream.
"Grabe, ang timing naman ng pagkain ko ng ice cream. Brrrr~" natatawang sabi ni Jenny. Napayakap sya sa sarili nya dahil sa sobrang lamig. Idagdag pa na kumakain sya ngayon ng ice cream.
Ugali ni Jenny na mapag-isa lalo na kapag masama ang loob nya. Hindi kasi sya 'yung tipo ng tao na madalas magsabi ng nararamdaman kung kanino. Mas gusto nyang mag-isa kasi walang nakakakita sa kahinaan nya.
Nang malapit nya ng maubos ang apa, tumayo sya at nagpasyang umuwi. Kailangan nya pang pumasok bukas ng maaga dahil sisimulan na nila ang pangangalap ng mga sasali sa intrams sa Bangtan High.
Pero nang pauwi na siya, may bigla syang naramdamang kakaiba. Na para bang may sumusunod sa kanya. Tumingin sya sa likod pero wala namang tao.
"Tss guni-guni ko lang 'yon," bulong nya sa sarili. At naglakad ng mabilis.
Pero napatigil sya sa paglalakad nang may lumitaw na apat na lalaki sa harap nya!
Nagtaasan ang balahibo ni Jenny.
"Ottokae! Mga multo ba sila? Ba't ang dami?"
"Whitwhew~" sipol ng isa. Nabigla sya nang biglang humakbang sila palapit sa kanya. Sakto namang tumigil sila sa may tapat ng poste kaya nakita ni Jenny at hitsura ng mga ito.
"Kuya, kilala ko ang gaya nyo. Mga palaboy kayo sa kalye. Mga pariwara at naghahanap ng mabibiktima. Pero wala akong dalang pera o cellphone ngayon. Malas nyo. Kaya next time na lang ah?" Sabi ni Jenny
"Boss, maganda," sabi nung isa tapos ay tinapunan ng nakakadiring titig si Jenny.
"Yuck~"
Napaatras si Jenny nang biglang lumapit sa kanya 'yung isa.
"Ops! Wag kang lalapit! May ebola ako *ubo ubo* baka mahawa ka nako. Sayang gwapo mo pa naman," palusot ni Jenny.
"Tsk tsk. Ang daming satsat. Mabuti pa sumama ka samin, pupunta tayong langit!"
"Ha? Bakit tinatanggap ba ang ganyang mukha sa langit? Oyy wag naman mag joke." Jenny.
"Ay g-ago pala 'to eh!" Sigaw ng isa na aambahan ng suntok si Jenny.
"WAITTTTTT~" pigil ni Jenny sabay taas ng dalawa nyang kamay.
"Pwede wag atat? Patakbuhin nyo naman muna ako kahit 20 seconds lang oh!" Hirit ni Jenny.
Ngumis ang lalaki. "Masyadong matagal ang bente. 5 lang." Tawad nya.
"Onga onga!" Sang-ayon ng tatlo pang lalaki.
"Ay 15 na lang. 15!" Jenny
"6"
"13?"
"6.5"
BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.