10th Clash

122 5 10
                                    

Hindi mapakali sina Rose, Evan, Danice, at Jenny sa tapat ng clinic. Nasa loob kasi si Cyrene matapos nitong mahimatay nang tamaan ito ng bola sa mukha.

"Humanda sakin 'yung lalaking 'yon. Ang kapal ng mukha nya. Sinadya nya 'yun e,"sabi ng galit na galit na si Rose.

"Bakit naman kasi nakatulala si Cye kanina? Ni hindi nya nga yata napansin na nakakailang puntos na ang kalaban nila," tanong ni Evan.

Nagkatitigan naman sina Jenny at Danice.

"Sa tingin nyo makakalaro pa si Cye?" Rose sabay labas ng pagkain nya sa bulsa.

"Wala na rin namang laro. Pinatigil na 'yung volleyball dahil sa nangyari," sagot ni Jenny.

"Sana madisqualify sila," Danice.

*eeenk eenk* Nagulat sila nang biglang tumunog ang speaker.

"All students must proceed to the quadrangle now for an important announcement... All students must proceed to the quadrangle now for an important announcement." Sabi ng announcer.

Nagtaka naman ang magkakaibigan kung bakit pinapatawag ang lahat ng estudyante sa quad. Eh ilang minuto na lang, magsisimula na ang tennis match.

"Bakit kaya nila pinapatawag ang lahat ng estudyante?" Tanong ni Danice sa mga kaibigan. Pero walang sumagot dahil gaya nya, hindi rin nila alam.

"Teka, iiwanan ba natin si Cye?" Tanong naman ni Rose.

"Tulog pa siguro 'yon. Balikan na lang natin sya mamaya," sagot ni Jenny.

"Saka tiyak hahanapin naman tayo nun pag nagising," dagdag ni Evan.

Tapos ay dumiretso na sila sa quad.

Marami nang mga estudyante ang nakapila sa quad nang dumating sila. At gaya ng dati, humawi sa gitna ang mga babae para bigyang daan ang kanilang mga leader.

Tahimik na pumila ang mga leader ng dalawang grupo at matiyagang naghintay para sa anunsyo.

"Good day students," bati ni Mr. Ferdero sa mga estudyante. Nasa gitna na sya ng stage at may hawak hawak na papel.

"Our director, Mr. Choi, has decided to make some changes on today's fest..." panimula ni Mr. Ferdero.

Nagbulung-bulungan naman ang mga estudyante na parang isang bubuyog.

"The remaining tournaments, tennis, swimming, volleyball, and slogan making will be held all at the same time." Pagpapatuloy ni Mr. Ferdero.

"What?"

"Why?"

"I'm sorry but I cannot answer all your questions... So for those who'll be participating, kindly go to your designated activity areas. The game will start in short minutes. And as for the music, Director     Choi decided to reschedule it tomorrow. Thank you and good luck!" Mr. Ferdero disclosed. Tapos ay nagmamadali syang umalis.

"Oh my golly! Hindi pa ako ready~" kabadong sabi ni Rose. "Ang bigat pa ng tyan ko. Di pa yata ako natutunawan."

"Ayan kasi kain ka ng kain," ani ni Danice.

"Hoy Rose umayos ka ha? Pababain mo na yang kinain mo. Takaw mo kasi masyado," Evan.

"Waaah! Ni hindi pa nga ako nakakapag bihis eh. Nako mauuna na nga ako," natataranta na si Rose. "Aisssht!" Tapos ay nagtatakbo na to.

"Boom kabado si bakla!" Sabi ni Evan nang mapansin nyang nahuhulog na ang mga pagkain ni Rose mula sa bulsa nito. Ni hindi man lang nya pinulot.

"Hahaha! Minsan talaga lukaret 'yang si Rose. Tignan nyo, tarantabells na," Danice.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon