18th Clash

113 4 1
                                    


"Mimimimimimimimimii"

"Higher."

"Mimimimimimimimimiiiiiiii!"

"Listen," ani ni Sir Bae sa mga estudyante niya. "When you're belting a high-note, take deep deep breath para marelax ang diaphragm niyo. And when it relaxes, mage-expand 'yan." Turo niya.

"Okay, as I count to three take deep breaths. In one.. two.. three!" Sabi ni Sir Bae. At gaya ng sinabi niya, huminga ng malalim ang kanyang mga estudyante. At nagpatuloy siya sa pagp-piano.

"Mimimimimimimimimiiiiiiiii~"

Pumalakpak si Sir Bae at tumayo muna. Nasa music room kasi sila ngayon, nagv-vocalize.

"Good job guys!" Puri ng guro. "I'll give you a 15-minute break." Tapos ay lumabas na siya para mag-cr.

Nasa music room sila ngayon at kasalukuyang nagv-vocalization. Nakakatuwa nga na kahit hindi kasing bigtime ang Bangtan High gaya ng sa YG, SM at JYP ay may maayos na musical instruments parin ang school.

"Pansin nyo ba, para tayong singer sa pinaggagagawa natin?" Sabi ni Evan tapos ay uminom ng tubig.

"Oo nga." Sang-ayon ni Danice. "With all the lectures na tinuturo ni Sir Bae, para tayong singer o music major."

"Ano ba kayo mga beb, ayaw niyo nun? Nat-train ang mga boses natin! Malay niyo maging sikat na singer pala tayo someday," ani ni Cyrene.

Sinamaan ng tingin ni Evan si Cye. "Ambisyosa nito. May balak ka palang maging singer, ganon?"

"Nako Evan sinabi mo pa! Eh kada nasa banyo yan akala mo palaging may concert! Kanta ng kanta," reklamo ni Rose sa pinsan.

"Hoy Rosas! Kapal nito akala mo siya hindi kumakanta pag naliligo," depensa ni Cyrene.

"Ako pag naliligo lang. Eh ikaw? Kada nasa banyo ka, sige kanta. Kesyo naliligo, umiihi, nagsasalamin! Lalo na kapag tumata---"

"Ang ingay mo Rosas!!" Pigil ni Cye. Tinakpan nito ang bibig ng pinsan para tumahimik.

"Hahahahaha!" Nagsitawanan ang mga kaibigan nila.

Ilang minuto pa, nagpatuloy na ulit ang klase ni Mr. Dong Baebae. Natutuwa siya dahil sa loob kalahating linggo, malaki na ang inimprove ng mga estudyante niya. Well, lahat naman sila ay talented. Ayon nga sa nakitang student records nito, may mga kani-kaniyang specialty o talent ang bawat isa sa kanila.

"Okay guys, kahit na nahuli kayong nagcut sa klase ko kahapon hindi ko na kayo parurusahan," sabi ni Sir Bae nang malapit na silang magdismiss.

"Eh Sir Bae, naparusahan na nga kami kahapon," sagot ni Suga.

"Ay parusa ba 'yung kahapon?" Sabat naman ni JHope. Tapos ay tumingin siya kay Evangeline at ngumiti, "Akala ko kasi date namin ni Evangeline hahaha!"

"P-akyu kabayo!" Sigaw ni Evan. Agad naman siyang siniko ni Jenny dahil nasa harapan lang ang teacher nila. "Oops.. sorry Sir Bae."

Ngumiti lang si Sir Bae. Dahilan para maghugis crescent moon ang kaniyang singkit na mata.

"As I was saying... iba naman yung D.O at ako. Pero syempre, dahil natuwa ako sa performance niyo sa klase ko wala nang punishment." Masayang balita ni Sir Bae kaya nagpalakpakan ang lahat.

"But I hope na my nakuha naman kayong aral sa nangyari kahapon. Ne?"

"Yes sir!"

"Okay. Class dismiss."

Matapos ang klase, nagpasya ang mga babae na pumunta sa mall para gumala. Pumunta muna sila sa cr para magretouch at magpaganda. Madalas kasi na ang window shopping nila ay nagiging boys hunting.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon