3rd Clash

206 4 3
                                    

Ice Cream

[South-East Girls]

"Makinig," pukaw ni Jenny sa atensyon ng lahat ng babae na nakahanay ngayon sa grounds ng South-East. "Hawak na namin ngayon ang list na sasalihan natin para sa darating na intrams. Dapat manalo tayo sa lahat, wag natin hayaang umangat ang mga lalaki. So we better take this seriously girls. Para sa Bangtan!"

"Para sa Bangtan" girls said in unison.

Lumapit si Evangeline sa harap para sabihin ang listahan ng contests sa darating na intrams.

"Mic test. Test mic. Ehem.. So guys.. err girls, ito na sa Sports: Volleyball, tennis, taekwondo, at swimming; sa Arts: slogan, at poster; at sa Music: singing, dancing, at instruments." Anunsyo ni Evan.

"Kaya mga sisters pumili na kayo ng gusto nyo okay? Maglalagay kami ng drop box per area tas ilalagay nyo ang name, year&sec gets?" Sabi naman ni Cyrene.

"Don't worry, magt-train tayo ng sama-sama! Ayos ba?" Danice.

"Yessss!"

"Okay that would be all for now. Balik na tayo sa klase. Salamat," Jenny.

"Okay girls, kailangan natin hatiin kung saan tayo magttrain," sabi ni Evan habang kumukuha ng ballpen at notepad nya na kulay pink.

Nasa isang lumang silid sila- ang tambayan ng magkakaibigan, para paghandaan ang intrams.

"Ha eh bakit? Di ba pwedeng lahat tayo sa lahat ng area?" Tanong naman ni Cye.

"Mas okay na yun Cye para mas focus tayo," sagot ni Danice.

"Iwas pagod din 'yun," dagdag pa ni Evan.

Tumango naman si Cye.

"Okay, ako na mauna. Sa tennis ako," sabi ni Evan sabay sulat ng pangalan nya at nang napili nya.

"Sige ako sa volleyball," Cye.

"Ako na sa arts," sabi ni Danice.

"Nice. Ikaw na ang gifted haha!" Tukso ni Evan. Ngumiti lang si Danice.

"Oy ikaw Rose?" Tanong ni Danice kay Rose na kumakain ng paborito nyang chaopan.

"Kumakain nanaman." Isip ni Cyrene.

"Sa food-eating contest ako!" Sagot nya sabay subo.

"Gaga! Walang ganun!" Evan. "Sa swimming ka na lang tapos si Jenny sa Taekwondo."

"Osige." Tugon ni Rose sabay kain uli.

""Uy Jenny sa taekwondo ka na ah? Tutal ikaw itong parang lalaki sa angas eh haha!" Salita ni Evan sa kaibigan na di naman nakikinig.

"Oo nga tas sa music, tulong-tulong tayo." Cye.


Tumango naman ang lahat maliban kay Jenny.


"Psst. Tulala si friend oh," bulong ni Danice sa tatlo.

Mabilis na lumapit ang apat sa likuran ni Jenny at sabay-sabay nila itong...


"BOOOOOOO!!!~".gulat nila.

"FUDGEE BARR!" Napatalon si Jenny sa gulat.


"Hahahahaha!!" Napuno ng tawanan ang tambayan nila.

"Ang layo ng iniisip mo ah? Hahaha ocean deep~" asar ni Cyrene sabay kanta.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon