The Flashback: Memory Lane**DANICE' POV
"Memory lane!" Sigaw ni V. "Malalaman mo kapag nakamove on ka na kapag dinaanan mo lahat ng lugar na makakapag-paalala sa kanya, pero wala ka nang nararamdaman!"
Napairap na lang ako nang maalala ko na nanaman ang sinabi ng alien na yun. Bakit ba ang feeling ng isang 'yun? At pamemory-memory lane pa syang nalalaman. Sino ba sya sa akala nya? Tss. Ang kapal ng mukha nyang mag-assume na may naaalala ako sa mukha nya. Eh ano ngayon kung meron? Mawawala ba sya sa paningin ko kapag sinabi ko sa kanyang oo?
Umirap na lang uli ako sa ere at pumasok sa loob ng bahay nila Cyrene. Pinagbuksan ako ng pinto ng nakababatang kapatid nyang si CJ, ang batang sobrang cute. Sarap minsan iuwi eh.
"Nasa kwarto sila, Ate Danice," sabi ni CJ sakin. Ngumiti ako at nag thank you. Bumalik naman sya sa panonood nya ng palabas sa tv. Nanlaki ang mata ko nang nakitang pinapanood ni CJ yung Sistar!
"Favorite mo sila?" Tanong ko.
"Opo ate. Ang sexy kasi nila," natutuwang sagot ni CJ. Aba eh ilang taon pa lang ito ah? Grabe mana sa mga ate nyang sina Cye at Rose. Tsk tsk. Naimpluwensyahan ng KPOP.
Okay. Nagsalita ang di fan ng kpop.
"Ang tagal mo naman beks," bungad sakin ni Evan nang nakapasok ako sa loob ng kwarto ni Cye. Nandun silang lahat, nakaupo sa kama ni Cyrene. Kaya lumapit ako.
"May alien kasing paharang-harang," sagot ko. "Bakit namumugto ang mata mo ha Mehey?" Tanong ko. Nakiupo rin ako sa kama katabi sina Jenny at Evan.
"Paano ba naman, napaginipan nanaman nya si tenga," sagot ni Rose.
"Bangungot ba?" Tanong ko kay Cye. Ngumiwi lang sya.
"Akala ko hindi ko na sya mapapaginipan. Pero shet na malagket, napaginipan ko nanaman si Chanyeol mga beh~" tapos ay nag-iiiyak na si Cye. Inabutan sya ng tissue ni Jenny.
"Ayan kasi, sukat ba naman na magpatama ka ng bola sa mukha. Naalog yang utak mo kaya bumalik tuloy lahat ng sakit," ani ni Jenny.
"Bakit ka nga pala nakatulala kanina?" Curious na tanong ni Evan.
Dahil kay V. Tiningnan ko lang si Cye at hinintay kung anong isasagot nya.
"W-wala. May naalala lang," palusot ni Cye.
Hindi na lang ako kumibo. At nabaling ang tingin ko kay Jenny na syang lumingon din sakin. Siguro alam nya rin kung bakit.
Mga ilang oras din kami sa loob ng kwarto ni Cye. Hinahayaan lang namin sya na umiyak at ngumawa. Grabe ba naman kasi, ang lola mo di pa rin nakakamove on kay Tenga. Palibhasa kasi first love nya raw yun.
"Maghanap ka na kasi ng iba. Baka makalimutan mo si Tenga. Kita mo nga siya may Nana na," sabi ni Rose sa pinsan nya.
"May Nana sa Tenga. Hahaha!" Biro ni Jenny. Kaso walang tumawa. Korni rin kasi minsan tong friend namin. "Okay. Walang tumawa. Saya."
"Tuloy pa kaya yung last part ng intrams? Yung music chena ba?" Tanong ko.
Umiling silang lahat. "Nagtext yung secretary ni Mr. Ferdero, pinapatigil na raw yung intrams dahil sa nangyari. At bukas daw, ipapatawag tayo ni Director Choi," sagot ni Jenny.
Napakunot ang noo ko. Ni minsan hindi ko pa nakikita si Director Choi. Mukhang seryoso na nga ang gulo sa Bangtan High.
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga pangyayari kaninang umaga. Nalaman ko rin na sa tennis pala nagsimula ang gulo. Hanggang sa madamay na ang ilang mga games.

BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.