Sumikat ang panibagong araw sa Silangan. Kasabay nito ay ang pagtilaok ng manok sa Kanluran. Habang malamig na umiihip ang hangin mula sa Hilaga."Antok pa ako~" sabi ni Evan sabay hikab. Umub-ob sya sa kanyang desk gaya ng katabi nyang si Danice.
"Himala ang aga mo ngayon?" Tanong sa kanya ni Danice.
"Akala ko kasi mat-traffic ako. Kaso kung kelan naman ang aga kong pumasok saka naman walang prof. Kainis," sagot ni Evan. "Ang tagal naman nung tatlo."
Inikot ni Danice ang tingin nya sa paligid. Silang dalawa pa lang ni Evangeline. Kahit ang Pitong Ugok ay wala pa rin.
"Baka di na magsipasok ang mga 'yun?" Danice.
"Kaltok sila sakin kapag hindi. Saka nagtext si Cye kanina, gising na raw sya. Malamang pumasok yun."
Tumango na lang si Danice sabay lagay ng earphone sa tenga nya. Tahimik syang nakikinig ng music habang sumasahimpapawid ang utak nya.
Napalingon sya sa pinto nang dumating na ang pitong ugok. Mukhang ang saya saya nila, siguro may pinag-uusapan ang mga 'yan.
Napatitig si Danice kay Jimin. Halos mamula ang pisngi nito nang maalala nya ang nangyari sa kanila ni Jimin noong nakaraang Biyernes. Lunes na ngayon pero hindi pa rin mawala ang pamumula ng pisngi at ang pagpintig ng puso nya. Mas dumoble yata ngayon dahil nasa harapan nya lang si Jimin—ang lalaking nakakapagpa-dugdugdug sa puso ni Danice (maliban kay Byun Baekhyun).
Dugdugdug
Nagsimula nanamang magwala ang puso ni Danice nang tumingin sa kanya si Jimin. Bahagyang inayos ng binata ang suot na cap sabay ngiti ng matamis sa dalaga.
Pero imbis na gumanti ng ngiti si Danice, isang maikling tango lang ang binigay nya pabalik. Ni hindi sya ngumiti. Poker face lang. Pero atleast, di nya sinamaan ng tingin si Jimin. Improving.
Kalaunan, dumating na rin ang magpinsang sina Cyrene at Rose.
"Oy bakit ang tagal tagal nyo?" Tanong ni Danice
"Eh paano ba naman itong si Rose, nakailang kanin pa bago umalis! PG much, akala mo di na makakakain," sagot ni Cye tapos ay umupo sa likod ng upuan ni Evan.
Umupo katabi ni Cye si Rose. "Asus. Kunwari ka pa, eh nakihingi ka nga rin ng almusal samin eh. Tinaob mo na nga yata yung kaldero." Kantyaw ni Rose.
"Oy hindi kaya!"
"Osige nakailang kanin ka?"
".. apat." Nahihiyang amin ni Cye sabay kamot sa ulo.
"Ilang pandesal?"
"... lima."
"Grabe ate Cye?! Ang lakas mong kumain!! Daig mo pa buntis ah? Hahaha!" Asar ni Evan.
Naningkit ang mata ni Cyrene nang pagtawanan sya ng mga kaibigan. Ang mas kinaiinisan pa nya, mukhang narinig ni V ang katakawan nya.
"Oyy gutom ako kaya ang dami kong nakain! FYI, mas masiba kumain si Rose," dagdag pa nya.
"Oo na lang Cyrene. Kunyari naniniwala kami hahaha!" Evan.
Napairap si Cye. "Saan si Jenny?" Pag-iiba nya ng topic.
"Hindi ko alam e. Di sya nagrereply sa text ko. Baka di sya papasok?" Sagot ni Danice.
"Ay ganun? Nakakalungkot naman. Nakakamiss pa naman ang isang 'yun," Cye
"Oa? May bukas pa Cyrene," Rose.

BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.