"You don't get what you deserve, you get what you strategize for." -Sun Tzu; The Art of War
Life is a game, a one hella of a game. Nobody wants to lose, so you better fight. Ito ang paniniwala ng dalawang grupong namamayani sa Bangtan High: ang North-West Boys at ang South-East Girls.
Ang mga lalaki lang ang pwedeng pumunta at gumamit ng North-West sides ng school habang ang South-East naman ay sa mga babae.
Dating payapa at nagkakaisa ang mga estudyante sa Bangtan High. Ngunit dahil sa di-inaasahang pangyayaring kinasasangkutan ng mga lalaki at babae, ay nag-away ang mga ito.
Hormone war. Ito ang ugat ng away sa paaralan. Ang lalaki at babae ay nagkakagulo dahil sa kanilang pagkakaiba. Ang isa ay gusto ng ganito na taliwas naman sa kagustuhan ng kabila.
Halimbawa: Sa palabas, hilig ng mga kalalakihan ang sports, karera, sasakyan, at mga pelikula na aksyon, at suspense. Habang ang mga babae naman ay gusto ng fashion, make up, modeling, at mga romantic at drama.
Sa madaling sabi, ang pagkakaiba ng dalawang kasarian ang naging dahilan kung bakit nahati sa dalawa ang Bangtan High.
Ang mga North-West Boys (NWB) ay pinamumunuan ng pitong lalaki: Jin, Suga, Rapmon, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook. Sina Jin at Suga ay 4th year, sina Rapmon at J-Hope at 3rd year, sina Jimin at V ay 2nd year, habang si Jungkook -na syang pinakabata ay 1st year.
Ang South-East Girls (SWG): Jenny, Evangeline, Cyrene, Rose, at Danice na kapwa 3rd year.
Maraming beses nang pilit pagkasunduin ang dalawang panig at lahat nang iyon ay nauwi sa wala.
BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.